‘Di raw matingnan ang isa’t isa, Kisses at Marco nagpaplastikan na lang?!
May bagong entertainment fare, courtesy of ABS-CBN Mobile Exclusives, na tiyak mag-a-apeal lalo na sa millennials.
Madaling mag-access sa ABS-CBNMobile Exclusives, as what all ABS-CBNMobile users need to do is to have an active SIM with international connections (3G wifi). Subscribers are advised as well na mag-subscribe to KSURF promo loads.
Well, for as low as Php30, ABS-CBN subscri bers are already entitled to get 350MB para mapanood ang mga shows.
Ilan sa mga show na mapapanood ay ang Kikinang-kinang ni Kaladkaren kung saan mag-iinterbyu siya ng mga artista at aalamin ang sikreto ng mga ito na hindi pa alam ng publiko.
Must see naman ang show ni Alex Gonzaga na Dear Alex dahil magbibigay siya ng payo sa mga problemang ikukumpisal sa kanya ng mga nanonood, well not seriously, but with a sense of humor. “As we all know, may solusyon sa bawat problema,” saad ni Alex.
Tampok naman sa Squad Goals, ang former Pinoy Big Brother (PBB) Dream Team ‘graduates’ na sina Maymay Entrata, Edward Barber, Kisses Delavin at Marco Gallo.
By the way, how true nga pala that Kisses and Marco are not seeing eye-to-eye?
Isa pang serye na mapapanood pa rin sa bagong offering na ito ng ABS-CBNMobile ay ang Hashtags Uncovered, kung saan ibabahagi nila sa audiences ang kanilang signature moves, step by step. Nakakaaliw din ang Sheokt na magtatampok sa mga nakakatakot na kwento at ang Seen Zone, kung saan mapapanood ang never before-seen clip and interviews sa mga show o segments na naipalabas na sa mga programa ng Kapamilya.
Saab dalawa agad ang panganay!
Kambal ang inaasahang panganay ni Saab Magalona, ang anak ng late popular rapper na si Francis Magalona at kapatid nina Maxene at Elmo Magalona.
Kinasal si Saab sa kanyang bandmate and well, soulmate na rin na si Jim Bacarro noong January 2015.
Next year naman, si Maxene na ang ikakasal kay Robby Mananquil, also a member of a popular band, and the son of a broadsheet Lifestyle editor, Millet Mananquil.
Formerly a Kapuso, Maxene is now a Kapamilya.
Janno walang binatbat sa hitsura ng ama noong kabataan
Maituturing na head of his time ang mahusay at napaka-innovative na direktor na si Danny Zialcita.
Lahat nang nanood ng 1981 movie na tinatampukan nina Vilma Santos, Ronaldo Valdez at Chanda Romero, na ipinalabas ang restored version courtesy of the ABS-CBN Film Restoration last Friday sa Trinoma, ay sumang-ayon na very now pa ang tema ng pelikula. At very now pa rin ang approach niya sa pagsasa-pelikula nito.
Bukod sa pagdidirek ng Karma, si direk Danny din ang sumulat ng story at script nito.
Fresh from his performance bilang ama sa apat na ‘di magkasundong magkakapatid, hangga’t nalaman ng mga ito na malapit na siyang bawian ng buhay, sa blockbuster Star Cinema movie na Seven Sundays, Ronaldo already proved he was an actor to reckon with, yes, that early, sa pelikulang Karma.
At kung looks ang pag-uusapan, sorry Janno Gibbs dahil mas guwapong ‘di hamak ang iyong ama. At the time na ginawa ni Ronaldo ang Karma, kaedad din niya si Janno.
Of Ate Vi, dapat mapanood ng kanyang mga anak na sina Luis Manzano at Ryan Christian-Recto ang Karma. Pagkaganda-ganda ni Ate Vi sa said movie.
Kasama rin sa pelikula si Tommy Abuel na isang lawyer sa tunay na buhay. Magaling siya sa kanyang role bilang mister ni Ate Vi, na hindi nito napatawad dahil sa hindi nito ipinagtapat bago sila ikinasal na hindi na siya virgin.
Si Tommy ay napapanood pa rin paminsan-minsan sa mga teleserye at may nagsabing regular member ito ng Cinema Evaluation Board (CEB).
As to Ronaldo, he was at the screening of Karma. At gumawa talaga siya ng oras para bumati sa lahat ng audience bago sinimulan ang screening.
Of direk Danny, he died in 2013.
- Latest