MANILA, Philippines — Marami ang tumututol sa tsikang wawalisin na sina Lito Lapid at Mark Lapid sa seryeng FPJ’s Ang Probinsyano dahil babalik na raw ang kampon ng mga durugista na sa serye ay pinamumunuan ni Eddie Garcia.
Mabibitin daw sila sa panonood sa hinahangaang actor. May kontrata raw pinirmahan na nagsasaad na hanggang doon lang ang role ni Double L. Sayang, hindi man lamang namin nasilayan si Lito na nagsyu-shooting sa likod ng bahay niya sa Tarlac.
May tsika rin kasing hindi makatagal si Lito sa sobrang puyatan sa taping kung kailan pa raw kasi madaling araw ay saka kinukunan ang mga blasting at pagsabog ng dinamita sa eksena.
Nabalitang pumasok na sa eksena si Joko Diaz at Amay Bisaya kaya ibang putahe naman ang mapapanood ng mga televiewers.
James kailangang magpalaki ng katawan para sa mga kalaban
Maraming mga malignong makakasagupa si James Reid sa Pedro Penduko kaya dapat ay magpalaki siya ng katawan. Sana raw ay maging pang-hunk ang katawan ni James at hindi pasayaw-sayaw lamang.
Kaya kumita, importansiya ng pamilya ipinakita sa seven…
Hindi nakakapagtaka kung bakit kumita ang Seven Sundays na tinatampukan nina Aga Muhlach, Cristine Reyes, Enrique Gil, Dingdong Dantes at Ronaldo Valdez.
Ipinakita kasi ni Direk Cathy Garcia Molina ang importansiya ng nalalabing mga panahon ng ating mga magulang sa ibabaw ng lupa.
Ipinakita ni Aga na ang pagmamahal sa magulang ay dapat bigyang importansiya at huwag balewalain.
Bukod dito, marami rin ang nanabik na mapanood si Aga sa Star Cinema movie.