^

Pang Movies

Lito hindi na kayang makipagpuyatan kay Coco

Vir Gonzales - Pang-masa
Lito hindi na kayang makipagpuyatan kay Coco

Lito Lapid

MANILA, Philippines — Marami ang tumututol sa tsikang wawalisin na sina Lito Lapid at Mark Lapid sa seryeng FPJ’s Ang Probinsyano dahil babalik na raw ang kampon ng mga durugista na sa serye ay pinamumunuan ni Eddie Garcia.

Mabibitin daw sila sa panonood sa hinahangaang actor. May kontrata raw pinirmahan na nagsasaad na hanggang doon lang ang role ni Double L. Sayang, hindi man lamang namin  nasilayan si Lito na nagsyu-shooting sa likod ng bahay niya sa Tarlac.

May tsika rin kasing hindi makatagal si Lito sa sobrang puyatan sa taping kung kailan pa raw kasi madaling araw ay saka kinukunan ang mga blasting at pagsabog ng dinamita sa eksena. 

Nabalitang pumasok na sa eksena si Joko Diaz at Amay Bisaya kaya ibang putahe naman ang mapapanood ng mga televiewers.

James kailangang magpalaki ng katawan para sa mga kalaban

Maraming mga malignong makakasagupa si James Reid sa Pedro Penduko kaya dapat ay magpalaki siya ng katawan. Sana raw ay maging pang-hunk ang katawan ni James at hindi pasayaw-sayaw lamang.

Kaya kumita, importansiya ng pamilya ipinakita sa seven…

Hindi nakakapagtaka kung bakit kumita ang Seven Sundays na tinatampukan nina Aga Muhlach, Cristine Reyes, Enrique Gil, Dingdong Dantes at Ronaldo Valdez.

Ipinakita kasi ni Direk Cathy Garcia Molina ang importansiya ng nalala­bing mga panahon ng ating mga magulang sa ibabaw ng lupa.

Ipinakita ni Aga na ang pagmamahal sa magulang ay dapat bigyang importansiya at huwag balewalain.

Bukod dito, marami rin ang nanabik na mapanood si Aga sa Star Cinema movie.                                                                  

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with