^

Pang Movies

Edu humingi na ng cut off,‘ di na kaya ang magdamagang taping!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Balak bumalik sa paggawa ng pelikula ni Edu Manzano.

Nagbuo raw ng isang grupo si Doods (tawag kay Edu) na magsisimulang mag-produce ulit ng isang movie.

“It’s going to be an action film. Matagal na kasing walang gumagawa ng ganyang klaseng pelikula ngayon.

“Hindi naman siya indie film because we will shoot it for 25 days. Definitely the budget is not for an indie film.

“So we talked about it and we feel na it’s about time na we do something like that. Tingnan lang natin ang possibilities at baka naman may magkagusto and that will lead to more movies na mapo-produce namin,” diin pa niya.

Pipiliin pa raw nila ang puwedeng magbida sa pelikula na ito. Pero kasama rin sa cast si Doods pati na ang mga magiging co-producers niya na mga aktor din.

“Para makatipid! Kami-kami na lang ang cast!” malakas na tawa pa niya. “Pero ‘yung bida, pinagpipilian pa namin kung sino. Kailangan kasi ‘yung kilala ng millennials ngayon. Tsaka ‘yung maraming fans lalo na sa social media.”

Masaya naman si Doods sa mga trabaho niya sa TV ngayon tulad ng teleserye na Alyas Robin Hood at ng game show na Celebrity Bluff.

“Pinakamagaan sa akin ang Celebrity Bluff kasi tawa lang kami ng tawa. ‘Yung may trabaho ka na, may libreng show pa courtesy of Boobay and Super Tekla. Grabe sila magpatawa. Kahit ako hindi ko mapigilan ang sarili ko.

“Okey din sa Alyas Robin Hood. The story is getting intense every week. Pero humingi na rin ako ng cut-off time.

“Before wala akong cut-off, okey lang hanggang madaling-araw. Pero nakakapagod talaga kasi I have other work din and I can’t function kapag kulang ako sa tulog.

“Kaya ni-request ko naman at binigay naman sa atin,” pagtatapos pa ni Edu Manzano.

Jeric nagagamit ang pagiging taong simbahan

Habang walang pinagkakaabalahan na teleserye ang Kapuso actor na si Jeric Gonzales, nag-concentrate ito sa kanyang music at binabalak niyang mag-produce ng isang single.

Isa sa mga talent ni Jeric ay ang pagkanta at gusto niyang ipakita na iyon.

“Gagawa lang po kami ng isang single at tingnan natin kung magiging okey siya.

“Gagawa rin kami ng music video para ma-upload ito sa social media. Hopefully mapansin ito. Kasi ‘yung ginawa kong duet with Jim Paredes sa Playlist, marami ang nagkagusto,” ngiti pa niya.

Huling teleserye ni Jeric ay Oh, My Mama na isang taon na ang nakakaraan. Puro lang daw guestings at out-of-town shows ang pinagkaabalahan niya.

Natuwa naman si Jeric nang mag-taping na siya para sa isang episode ng bagong monthly show ng GMA-7 na Stories For The Soul kunsaan kasama niya sina Martin del Rosario at Juan Rodrigo.

Mga modernized biblical stories ang featured sa show na ito na siyang ipe-present ni Manny Pacquiao. Ang episode nila ay ang The Prodigal Son.

“Since taong simbahan po ako at naging sakristan noong bata ako, alam ko ang mga Bible parables. Every Sunday noon, I attend catechism. Kaya lahat ng mga stories sa Bible alam na alam ko.

“Isa itong The Prodigal Son ang pinaka-popular na parable at alam ng maraming kabataan,” pagtatapos pa ni Jeric Gonzales.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with