^

Pang Movies

Kailangan nga lang ibenta Ian isasalang sa inayawan ni John Lloyd

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Abangers daw si Ian Veneracion sa pelikulang hindi na magagawa ni John Lloyd Cruz. Gaya ng naglabasang balita, lalayas na ng bansa si JLC para magbakasyon. Wala pang katiyakan kung kelan ang balik niya para i-resume ang career.

Eh aksyon din ang konsepto ng movie kaya swak din ito sa senior actor dahil action film din ang karamihan sa ginawa niya nu’ng Seiko Jewel pa siya.

Kailangan nga lang ibenta ng mabuti ang movie dahil sa track record ng pelikulang nagawa ni Ian, hindi ito masyadong malakas sa takilya. Puwedeng may followers niya sa TV pero iba pa rin ang pelikula, huh!

Heart ‘di nagpakabog sa boobs at tambok!

Nagpatikim si Heart Evangelista sa aabangang episode bukas sa GMA series niyang My Korean Jagiya. Last Friday kasi, bumulaga ang alindog ng Kapuso Sweetheart sa swimming pool scene sa suot niyang black one-piece swimsuit!

Sasabong si Heart sa paseksihan sa co-stars niyang sina Valeen Montenegro at Jinri Park para hindi maagaw ang atensyon ni Xander Lee na pekeng asawa niya sa kuwento.

First time ng wife ni Sen. Chiz Escudero magbu­yang­yang ng katawan sa TV.  Ginagawa lang niyang magsuot ng swimsuit kapag nasa paboritong Balesin Island. Sa nakasilip sa eksenang yon, iisa ang sigaw nila –winner ang boobs at tambok ni Heart, huh!

Tanong ng mga intrigero’t intrigera, may permiso ba ni Sen. Chiz ang pagdispley ni Heart ng alindog niya sa TV? At knows n’yo na kung sinong artista maikukumpara si Heart sa suot niyang ‘yon, huh!

Empoy nakadikit na ang pagiging box office star   

Nakadikit na kay Empoy Marquez ang box-office record ng surprise hit movie of the year na Kita Kita (KK). Hindi naman kasi sila box-office stars ng kapareha niyang si Allessandra de Rossi pero dumagundong ang takilya sa resulta nito.

Eh sa bagong pelikula ni Empoy na The Barker mula sa Bank Pages Productions at Viva Films, ginawa niya ito bago pa man inilabas ang KK. Kaya naman hindi pressured ang producer na si Arlyn dela Cruz na pantayan o higitan ang nakaraang proyekto ng komedyante.

“Basta tawa ako nang tawa hanggang sa lumabas ng screening. Kakaiba kasi ‘yung tandem nina Empoy at Dennis Padilla bilang director. Ayoko ipasok ‘yung kikitain ng movie. Basta ang naramdaman ko, may maganda kaming offering sa moviegoers,” rason ni Arlyn sa grand presscon ng romantic-comedy films.

Hindi rin naman mabibigo ang fans ni Empoy sa istilo ng pagpapatawang nagustuhan sa kanya. Kahit may photos niyang guwaping ang dating, may kinalaman ‘yon sa character niya sa movie.

Para sa kalambingan niya, ang Viva Princess na si Shy Carlos ang matitikman naman niya.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with