Depensa sa pag-chat kinontra ng 22 year old na social media celeb!
“I definitely didn’t engage in conversation with him first.”
Ang sagot kahapon ng Instagram star na si Arzay-lea Rodriguez sa kanyang Twitter account sa depensa ni Sen. Manny Pacquiao na ang 22 year-old (na biglang pinag-interesan ng mga Pinoy dahil nga sa pagkakaugnay ng pangalan nito sa senador at boxing champ) ang nag-umpisang mag-chat sa kanya (Pacman).
At nagulat pa nga raw ito (Rodriguez) na nag-popped up ang name ng boksingero sa kanyang live video chat.
Paliwanag kasi ni Sen. Pacquiao na hindi niya sinasadya ang nasabing pag cha-chat at hindi nga siya ang nauna na nag-hello.
Bukod kay Rodriguez, lumutang din kahapon ang screen grab na nakipag-chat din si Sen. Manny sa isa pang bagets na vblogger na ang pangalan ay Maria Ciuffo na may online show na Chicks in the Office. Mas maganda itong si Ciuffo kesa kay Rodriguez sa true lang. Pero wala pang 100k ang followers sa IG kaya masasabing hindi naman siya ganun kasikat sa social media.
Ang nakalagay sa screen grab ay sinabi na Pacman “Hello,” “Yes its me thank you,” “I’m fine thank you,” at “You can call me anytime.”
Agad namang hiningan ng pahayag si Pacman sa panibagong lumutang na kuwento na pakikipag-chat niya sa batang-bata at seksing social media starlet at heto ang pahayag niya sa ABS-CBN. “Yes, ako ‘yun kasi gusto nila akong interview-hin. In-invite nila ako do’n sa New York, sa radio station nila, and then sabi ko, ‘I am in the Philippines. I can’t come.’ So sabi ko, ‘You can call me anytime’
“Oo, kasi ako talaga ‘pag nag-o-open ako ng account ko sa IG ‘pag may nakita ako parang live, tapos tinitignan ko. Kasi ‘pag tignan mo siya mag-a-appear diyan na Manny Pacquiao is joining. ‘Pag nakita nila, binati nila ako, ‘Hello Manny Pacquiao.’ Gano’n tapos do’n na, nagyaya sila.”
Wala sa bansa si Pacman sa kasalukuyan. Bumiyahe siya kasama ang misis na si Jinkee Pacquiao sa Hong Kong at China kahapon base sa kanyang IG account.