^

Pang Movies

Birdshot susubok sa Oscars 2018!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Napili ang indie movie na Birdshot bilang panlaban ng Pilipinas sa Best Foreign Language Film sa Oscar 2018. Pinagbibidahan ito nina John Arcilla, Arnold Reyes at baguhang Mary Joy Apos­tol. Huling napanood ang well-acclaimed film ni Mikhail Red sa Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP).

Inilabas ang pagkakapili ng Birdshot bilang a­ting Oscar entry sa official Facebook page ng movie. “Fly high and proud mga ka-birds: Birdshot’s Oscar race officially begins,” caption sa FB.

Nanalo na ang movie sa 2016 Tok­yo International Film Festival sa Best Future Film category.

Dalaga ni AiAi may birada  sa mga  nagpipilit na imbitahin si Kris sa kasal ng ina

Nakibahagi si AiAi delas Alas sa panawagan sa mga Pinoy sa Chicago sa pagtulong sa paghahanap upang makita ang suspect sa Atio Castillo ha­zing case, ang law student ng UST. Inilabas ni Ai ang headline ng ABS-CBN News tungkol dito kung saan nakalagay ang picture ng isang Ralph Trangia y Cabales.

Sa caption ng Comedy Queen, sinabi niyang kaibigan at kaklase ng anak na si Sophia si Atio noong high school pa ito. Wish niya, mahanap na ang suspect para matahimik na ang pamilya ni Atio.

Sa isang banda, nagpasalamat naman si AiAi sa pagtatanggol sa kanya ni Sophia sa mga basher at hater na nilait-lait ang ina dahil sa pahayag niya tungkol sa hindi pag-iimbita kay Kris Aquino sa kasal nila ni Gerald Sibayan.

Lumabas ang interview ni Ai sa PEP pero dahil sa padepensa ni Sophia, pinutakti rin siya ng ba­shers na apparently ay kampi kay Kris.

“All the comments about me here are funny. HAHAHA..oo puwede akong magtaray in English or Tagalog kasi pakialamera kayo ng buhay eh. Kayo ikakasal? Eh di invite nyo si Kris Aquino sa kasal nyo. WAG DIN AKO MGA, ‘BES’ IM SHOOK” post ni Sophia na may screengrab sa IG ng ina.

Nagpasalamat naman si AiAi sa pagtatanggol ng anak. Hndi na raw siya sasagot sa anumang tanong kay Kris dahil ayaw niyang mahaluan ng negative ang pinakaimportanteng bahagi ng kanyang buhay.

“...A MEANINGFUL SILENCE IS ALWAYS BETTER THAN A MEANINGLESS WORD. GOD BLESS EVERYONE,” bahagi ng caption ni AiAi.

 

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with