^

Pang Movies

Erich inabsuwelto ni Toni sa asawa!

Salve V. Asis - Pang-masa
Erich inabsuwelto ni Toni sa asawa!

Toni Gonzaga

Nadama raw

Walang kagatul-gatol na sinabi ni Toni Gonzaga na  super secure siya sa pagiging misis kay Direk Paul Soriano na kamakailan lang ay iniuugnay ang pangalan sa kapwa niya Kapamilya actress na si Erich Gonzales.

“Ten. I can say ten, without batting an eyelash,” pahayag ng actress/TV host na matagal-tagal din nanahimik tungkol sa isyu nang mainterview siya ni Tito Boy Abunda sa programa nitong Tonight with Boy Abunda the other night sa scale na 1 to 10 tungkol sa pagiging secure niya sa mister.

Ayon pa kay Toni wala siyang na­ram­damang kutob kahit naging persistent kamakailan ang rumor matapos magkatrabaho ang mister na director at si Erich sa isang pelikula na kinunan pa sa Siargao.

At kahit kaunting selos ay wala rin siyang na­ram­daman ayon pa kay Toni. God’s gift to women. Meron kang nararamdaman, e. Sabi nila ‘yun, e.

“Kahit walang lumabas na isyu, ‘pag may naramdaman ka, mararamdaman mo ‘yun,” katuwiran niya na bida sa pelikulang Last Night with Piolo Pascual na showing na sa mga sinehan simula ngayong araw.

Siguro kinapos na sa oras pero sana naitanong din ni tito Boy kung nagkita at nag-usap na sila ni Erich pagkatapos ng isyu.

Bukod kay Erich na-link din noon si Direk Paul kay Maja Salvador, pero siyempre throwback story na ‘yun. Nagkasama rin ang dalawa sa isang pelikula na sa isang pro­binsiya rin nag-shooting.

Billy Crawford

Billy nagpabinyag uli para sa kasal nila ni Coleen!

Ay nagpabinyag pala uli Billy Crawford. Days ago, makikita sa kanyang  Instagram post ang simpleng seremonyas para maging ganap siyang Born Again Christian.

May konek daw ang pagpapabinyag na muli ni Billy sa pagpapakasal nila ni Coleen Garcia next year.

Kaya asahang hindi Catholic wedding ang magaganap sa dalawa. “This is the start of a new beginning! Glory be to God, thank You for this amazing journey. Thank you to my mentor, brother and friend @lamumar for guiding me through this,” caption niya sa nasabing video ng pagbibinyag sa kanya sa pama­magitan ng maiksing seremonyas at pagtubog ng kanyang ulo sa tubig.

Pero bakit kaya karamihan sa mga artista parang naiiba lang ang buhay ‘pag nagiging Christian?

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with