^

Pang Movies

Ate Vi minamanok na mag-presidente sa 2022!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Ate Vi minamanok na mag-presidente sa 2022!

Vilma Santos

Aba, dati ang ambisyon lamang ng Vilmanians ay maging best actress si Congresswoman Vilma Santos, kaya nabigla sila dahil sa isang website, sinasabing si Ate Vi ang siyang most popular choice para tumakbong presidente ng Pilipinas sa 2022. In fact, isang Vilmanian ang tumawag sa ­aming attention at pinatingnan sa amin ang nasabing website.

Kabilang nga sa sinasabi nilang popular choices ay sina Bongbong Marcos, Sarah Duterte, Alan Peter Cayetano, at Senators Grace Poe at Richard Gordon. Pero sinasabi nga nilang pinakamarami ang pumili kay Ate Vi.

Hindi natin alam kung papaano nila isinagawa ang survey. Hindi rin natin alam kung ilang tao ang kanilang tinanong. Pero iyon ang sinasabi nila.

Hindi lang ngayon umugong ang ganyang isyu. Noong nakaraang eleksiyon, dalawang presidentiables ang lumapit kay Ate Vi para tumakbong VP nila. Magalang na tinanggihan iyon ni Ate Vi. Hindi naman kasi ganoon kataas ang kanyang pangarap eh, at sinasabi nga niya nagsimula siya sa Batangas, doon na lang siya kung sakali.

“At saka sa dinami-dami ng problema ng presidente, naku hindi ko na kaya iyan. Iyon nga lang vice president eh, kaya tumanggi agad ako ang unang naisip ko, kung saan hindi makakapunta ang presidente malamang ikaw ang lalakad, naku hindi na ako puwede nang ganoon. May pamilya rin naman ako na dapat kong intindihin. Hindi ba noong araw nga ang sinasabi ko, tama na ang isang pulitiko lang sa pamilya, dahil may showbusiness pa ako, tapos sino ang maiiwan para mag-asikaso sa pamilya?

“Napilitan kami noon dahil talagang mahigpit ang pakiusap na tumakbo akong mayor sa Lipa, kaya nagsimula iyan eh. Hindi ko naman pinagsisihan, dahil iba ang feeling noong ikaw naman ang naglilingkod sa bayan, pero kung higit pa roon hindi ko na makakaya. At saka by 2022, hindi na ako 37 years old noon,” ang nagbibiro at natatawa pang sinasabi ni Ate Vi.

Relasyon nina John Lloyd at Ellen, seryosohan

Hindi lang bakasyon ha, ang post ngayon ni John Lloyd Cruz ay magkatabi sila sa isang kama at naghahalikan ni Ellen Adarna. Aba eh wala na tayong statement na dapat hintayin diyan, maliwanag na mag-syota na nga silang dalawa. Ano pa bang ebidensiya ang hahanapin ninyo? The fact na sila mismo ang naglabas noon sa social media, inaamin na rin nila ang relasyon. Ang pictures na iyon ay isa na ngang public statement tungkol sa kanilang relasyon.

Aktor kating-kati nang iladlad ang kabaklaan

Nagkaroon ng isang mahabang pag-uusap ang isang aktor at ang kanyang mga manager. Gusto na raw kasing ilantad ni aktor ang “kanyang tunay na katauhan”, na tinututulan siyempre ng kanyang  mana­gers dahil mangangahulugan iyon ng katapusan ng kanyang career, at malaking kawalan din naman iyon sa kita ng mga manager.

Pero matagal na rin pala talagang nag-iisip ang aktor na aminin na ang totoo. After all ang feeling niya, alam na rin naman iyon ng lahat. Kulang na lang talaga ay kumpirmahin niya.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with