Luis Manzano revealed na baka hindi raw siya makapunta sa kasal ng best friend niyang si Billy Crawford kay Coleen Garcia. Of course, ayaw niyang sabihin ang date dahil mismong ang dalawa nga ay hindi pa ito ina-announce.
“Parang ‘yung date baka maging conflict sa isang kailangan kong gawin. Baka,” sey ni Luis nang makatsikahan namin over merienda last Thursday.
Nasabi na raw niya kay Billy ang tungkol dito at worried siya na baka sumama ang loob nito.
“’Di ko alam kung ‘yun na ang final date, baka sumama ang loob niya. Sabi ko, baka sa honeymoon lang ako sasama. Dun na lang ako sa labas, para hapi-hapi na kaming tatlo,” sey pa ni Luis.
Pero hindi pa raw niya alam kung part siya ng entourage at okay lang naman daw sa kanya kung hindi.
“Kasi may kapatid siya, meron pa siyang mas matatagal na best friend na I think, mas deserved nila ang title na maging best man,” he said.
Kung sila naman ni Jessy Mendiola ang tatanungin, ani Luis, alam niyang marami pang gustong gawin ang girlfriend at ayaw daw naman niyang maging selfish at hadlangan ang mga gusto pa nitong ma-achieve. Pero he’s keeping his fingers crossed na sana nga ay si Jessy na ang kanyang forever.
Gatecrasher lang, Devon hindi inasahan ang pagbibida
“Gatecrash audition” ang tawag ni Devon Seron sa ginawa niya para maging part ng Filipino-Korean film na You With Me ng Gitana Film Productions and RR Films Entertainment.
When asked to elaborate, aniya, “hindi po ako part ng auditionist. Nalaman ko lang po ‘to sa friend ko, isa po siyang make-up artist sa production and ang pagkakaalam din niya, gagawa lang sila ng isang indie film.
“Hindi ko rin po alam na may kasama ring international artists. Ang pagkakaalam ko lang po, magsu-shoot kami sa Korea pero mga artists, Pinoy.
“So ako naman po, naengganyo ako kasi sobrang gusto ko mag-indie film, gusto kong matuto pa,” pahayag ni Devon sa presscon kahapon.
Nag-submit ng lahat ng requirements at kinulit daw niya araw-araw ang friend niya.
“Sabi ko sa kaibigan ko, kahit mapasok na lang ako sa audition, okay na sa akin. So ‘yun po, hindi lang ‘yun ‘yung luck ko that time. Nu’ng nakapasok na ako, talagang na-reveal na ‘yung iba pang mga blessings na dumating kaya sobrang thankful po talaga ako?” sey pa ni Devon.
Nakapasa nga si Devon sa audition at sa kanya pa naibigay ang lead part at ang pinakamatindi nga, dalawang Korean actor ang makakasama niya – sina Hyun Woo at Jin Ju-hyung.
Ayon nga kay Devon, sobrang shocked daw siya na sa kanya ibinigay ang lead role sa dinami-dami ng nag-audition.
Seventy percent ng movie ay kinunan sa South Korea at new experience daw ito for her, napakarami raw niyang natutunan. Pareho raw mabait at maalaga ang kanyang dalawang Korean leading men.
Sa presscon kahapon ay si Jin Ju-Hyung pa lang ang nakadalo dahil si Hyun Woo ay parating pa lang ng ‘Pinas at sa premiere night pa raw ito makakadalo.
Sa Sept. 27 ang showing ng You With Me mula sa direksyon ni Rommel Ricafort.
Piolo ‘di pa sure kay Shaina
Tiniyak ni Piolo Pascual na dadalo siya sa darating na Star Magic Ball sa Sept. 30 pero kung sino ang ka-date niya, ‘yan ang ayaw niyang sagutin.
“Wala po, bahala na, tingnan natin,” tumatawang sabi ni Piolo nang makausap namin sa presscon ng Last Night na pinagbibidahan nila ni Toni Gonzaga.
Hindi ba niya tatanungin si Shaina Magdayao? Natawa na naman si Piolo.
“Sa amin na lang ‘yun. We’ll see, mahirap magsalita, eh. Parang… Tingnan na lang natin sa ball kung sino ang kasama natin,” sey niya.
Ang anak niyang si Inigo Pascual ay kumpirmado nang si Maris Racal ang ka-date at okay naman ito kay Papa P.
“My son is of age, that was his decision, I’m happy for him, kung saan man dumating ‘yun, labas tayo ro’n. You don’t wanna be a stage father,” ani Piolo.