^

Pang Movies

Alden at Maine may pansindak na gagawin!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Alden at Maine may pansindak na gagawin!

Alden Richards at Maine Mendoza

Natuloy na ang story conference ng next mo­vie na gagawin ng pheno­menal love team nina Alden Richards at Maine Mendoza. Pero tulad noong nag-storycon sila ng first mo­vie ng dalawa na Imagine You & Me, wala ring nakaalam kung ano ang magiging title ng movie at kung ano ang concept nito. Ang sigurado lang, may halong action ito dahil sina Alden at Maine ay parehong pinag-training para alam nila ang dapat nilang gawin kapag kukunan na ang mga action scenes. 

Ang tiyak din lamang, any­time now ay magsisimula na silang mag-shoo­ting, matapos makuha ang mga free days nina Alden at Maine para mag-shooting. Ang location? Wala pa ring definite na sabi’y dito sa Pilipinas kukunan. Kung nasusundan natin ang mga magagandang lugar sa Luzon, Visayas, Min­ danao na ipinakikita sa Miss Millennial Phili­ppines ng Eat Bulaga, pwedeng maging location ito ng movie na muling ididirek ni Mike Tuviera to be produced by APT Entertainment, Inc. at GMA Films.

Leading man ni Heart, kuya-kuyahan si Sen. Chiz

Nag-enjoy ang entertainment press na kausap ng Korean actor na si Alexander Lee, sa set ng first Filipino-Korean collaboration ng kanilang romantic-comedy series na My Korean Jagiya. Alam mong palagay na ang loob niya sa mga kasamang artista na katrabaho niya sa GMA Network. Natutuwa raw sila ng kapwa Korean actors niyang narito pa rin, na they are well fed dito sa atin.

“In Korea, you cannot eat unless we have finished the scene,” natatawang kuwento ni Xander.  “Here, they will feed us first before we start working.”

Gabi-gabi ay nagti-trending sa social media ang My Korean Jagiya dahil natutuwa ang netizens, lalo na ang K-Drama fans, na masipag mag-tweet si Xander habang palabas na ang episode. Nagpapasalamat din siya sa netizens na tina-tag siya. Pero napansin ng mga kausap ni Xander na parang pumayat siya.

Natanong si Xander na muk­hang binibiro nila sina David Kim at Jinri Park, na kasama nila sa rom-com. Natutuwa raw sila ni Heart na biruin sina David at Jinri, pero wala na raw si David dahil bumalik na sa Korea, since tapos na ang role niya sa series. Mahilig daw kasi si David sa sexy girls. Gusto raw ni David na bumalik muli dito dahil nami-miss na niya ang hospitality ng mga Pinoy.

Bukod sa sinigang na baboy at hipon, halo-halo with ube and ice cream, adobo, paborito na rin ni Xander ang dinuguan, kare-kare with bagoong, ginataang bilo-bilo at kumakain siya ng balot pero he only eats the yellow ang the white part nito.

Gustung-gusto ni Xander na mag-stay pa rito at gumawa ng projects sa GMA pero ang problema raw niya ay kung paano matututong magsalita ng Tagalog.  Ang isa niyang word na natutunan na mahirap daw ay ‘ginalingan.’  Gusto rin daw niya to make friends here pero hindi niya alam kung paano makipagkaibigan.  Gusto rin niyang pumunta sa ibang lugar dito sa Pilipinas at nasabi niya na he’s happy na mayroon silang show kasama ang cast ng My Korean Jagiya sa Naga City on September 16 at they are invited ni Senator Chiz Escudero, whom he calls ‘kuya,’ at ipapasyal sila sa hometown nito sa Sorsogon sa Bicol after their show.

Xander is looking forward na muli silang mag-taping ng series sa Korea, mukhang may balak na ang production na tuparin ang wish ng Korean actor, kasama ang buong cast ng rom-com na dinidirek ni Mark Reyes at napapanood gabi-gabi pagkatapos ng Mulawin vs Ravena.

 

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with