Carla at Iya may sariling fashion statement sa MW

Carla Abellana
Nagpapasalamat sina Carla Abellana at Iya Villania dahil sa mga papuri na natanggap nila bilang mga host ng Miss World Philippines coronation night.
Bukod sa mga kinoronahan na mga bagong reyna, deserve rin daw nina Carla at Iya na magkaroon ng sarili nilang mga korona dahil hindi sila nagpatalbog sa mga candidate at nagkaroon sila ng sarili nilang fashion statement noong gabing iyon.
Sa ganda nga raw nina Carla at Iya noong gabing iyon, puwede na rin silang maging candidates ng Miss World Philippines.
Namangha ang marami sa mga isinuot ni Carla na black gown na gawa ni Yong Davalos at pale pink gown na gawa naman ni Rosenthal Tee. Si Margaux Medina ang stylist ni Carla ng gabing ‘yun at sina Dino Lazaro at Mark Baquiran naman ang kanyang make up artist at hairstylist.
Nagpasalamat naman si Carla sa mga magagandang comments na natanggap niya noong gabi iyon sa kanyang Instagram account.
Si Iya naman ay ginulat ang maraming tao sa MOA Arena dahil sa suot niyang red mermaid gown at isang white gown na gawa ni Claiza Bihasa.
Jinri nagladlad ng alindog sa harap ng Korean actor
Nagpakita na ng kanyang kaseksihan si Jinri Park sa primetime teleserye ng GMA 7 na My Korean Jagiya.
Sa isang eksena sa swimming pool ay walang takot na nagsuot ng two-piece bathing suit si Jinri habang kaeksena niya ang South Korean actor na si Alexander Lee who plays Jun Ho. Bilang si Hannah Lee, isa siya sa magiging hadlang kina Jun Ho at Gia (played by Heart Evangelista) dahil may pagtingin din siya sa aktor.
“Ako si Hannah, secretary ni Madam Chairman and in love with Jun Ho, pero of course he doesn’t care about me. I’m trying to get his attention.
“Of course I’ll get the sexy image but I’m not complaining, that’s really like what people know me as. Might as well use it to my advantage, right?” tawa pa ni Jinri.
Kahit na kontrabida siya kay Heart, inamin ni Jinri na super fan siya ng aktres at natutuwa siyang marami siyang eksena na kasama ito sa My Korean Jagiya.
“I’ve always been a fan of Heart, she’s my favorite actress in the Philippines.
“The first time I saw her, I was starstruck, I find her super pretty, she’s so nice, she loves dogs, I love dogs,” ngiti pa niya.
Hindi lang daw cast member si Jinri sa My Korean Jagiya dahil trabaho rin niya ang maging translator sa set between sa Korean actors at ang Pinoy actors and production staff.
“I’m the translator in the set. Everyone’s asking me, ‘What did they say?’ And then I translate it to English.
“Pero I’m super happy about this kasi it’s the first time Korea and the Philippines come together for a show,” pagtatapos pa ni Jinri.
Itinaob ang Despacito hit single ni Taylor Swift nanguna sa Billboard
Na-achieve ni Taylor Swift ang inakala ng marami na imposibleng mangyari. Na-dislodge na ng pop superstar ang naghahari sa number one ng Billboard Hot 100 chart na Despacito nina Luis Fonsi, Daddy Yankee, at Justin Bieber dahil sa kanyang hit single na Look What You Made Me Do.
Mula sa number 77, umakyat agad to number 1 ang Look What You Made Me Do at nagwakas na ang pamamayagpag ng Despacito na may 16 weeks na nasa number one spot. Simula pa noong August 25, ang araw ng pag-release ng single na Look What You Made Me Do, sunud-sunod na ang mga records na na-break ni Taylor kabilang na rito ang weekly streams at sales. Sa ngayon ay may record na 84.4 million U.S. streams na single ni Taylor ayon sa Nielsen Music.
May 353,000 weekly downloads ang single ayon pa sa Digital Song Sales chart. On YouTube na-break ng music video ng Look What You Made Me Do ang first day release ng Gentleman ni PSY noong 2013 with 43.2 million plays.
Nakuha rin ni Taylor ang record ng most played first-day views with 30 million views na siyang tumalo sa music video ni Adele na Hello.
- Latest