Matapos mag-ayawan sa IG, Xian at Kim going strong pa rin!

“Huwag n’yong sineseryoso ang Instagram, guys,” ang sagot ni Xian Lim nang tanungin siya kung totoong in-unfollow na nila ni Kim Chiu ang isa’t isa.

Nakausap ng ilang entertainment press si Xian sa 33rd PMPC (Philippine Movie Press Club) Star Awards for Movies na ginanap last Sunday sa Resorts World Manila. Ang aktor ang nanalong Best Supporting Actor para sa pelikulang Everything About Her.

“Huwag n’yong papansinin ang Instagram, don’t worry, everything’s okay between me and Kim,” paglilinaw pa ni Xian.

Walang-wala raw problema sa pagitan nila ni Kim kaya wala raw dapat ipag-alala ang fans nila.

Samantala, sobrang saya ni Xian for winning the Best Supporting Actor award at aniya ay sobrang unexpected ito for him.

Definitely ay magiging inspirasyon daw ang award na ito para sa kanya.

Daniel mangiyak-ngiyak sa unang Best Actor award, Nora at Vilma parehong Best Actress

Samantala, napakalaking tagumpay para sa kasaysa­yan ng PMPC Star Awards For Movies na napagsama ng PMPC ang dalawang reyna ng pelikulang pilipino -- sina Superstar Nora Aunor at Star For All Seasons Vilma Santos sa isang entablado.

Pinagkalooban ng karangalang Ginintuang Bituin Ng Pelikulang Pilipino ang dalawang aktres, at kapwa nanalo pa bilang Best Actress, si Vilma para sa Everything About Her at si Nora para sa Kabisera. Sa harap ng dumadagundong na tilian at palakpakan ng mga tagahangang nagpatunay na buhay na buhay pa rin ang pagmamahal nila sa kanilang idolo, nagyakapan, nagkuwentuhan, at nagpalitan pa ng mobile numbers ang magkumareng ilang taon ding hindi nagkita. Isa itong milestone na nalikha ng Star Awards, historical nang maituturing.

Naging madamdamin din ang pagtanggap ni Teen King Daniel Padilla ng kanyang kauna-unahang Best Actor award para sa Barcelona. Emosyonal din kap­wa sina Pen Medina at Direk Joel Lamangan na tumanggap ng Nora Aunor Ulirang Artista Lifetime Achievement Award at Ulirang Alagad Ng Pelikula Sa Likod Ng Kamera.

Nagwaging Darling Of The Press si Luis Manzano, Loveteam Of The Year naman sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla (Kath-­ Niel) para sa Barcelona.

Hinarana nina Christopher de Leon at Cesar Montano sina Vilma Santos at Nora Aunor, binuksan nina Christian Bautista at Isay Alvarez ang show sa kanilang awitin; sing and dance naman sina Sam Concepcion, Edgar Allan Guzman at Darren Espanto; at  isang dance number ang inihandog nina Ciara Sotto, Jon Lucas, Maris Racal, Sofia Andres, Grae Fernandez, at Zeus Collins.

Mula sa pamunuan ng pangulong Fernan de Guzman, mga opisyal at miyembro, ang 33rd PMPC Star Awards For Movies ay sa pro­duksyon ng Airtime Marketing ni Ms. Tess Ce­les­tino at sa direksyon ni Bert de Leon.

Mapapanood ang kabuuan ng show sa ABS-CBN’s Sunday’s Best sa ika-24 ng Setyembre, 2017.    

Narito ang listahan ng mga nagwagi:

MOVIE OF THE YEAR: Die Beautiful (Regal Entertainment and The IdeaFirst Company)

MOVIE DIRECTOR OF THE YEAR:  Jun Robles Lana (Die Beautiful)

INDIE MOVIE OF THE YEAR:  Pamilya Ordinaryo (Cinemalaya Foundation and Found Films)

INDIE MOVIE DIRECTOR OF THE YEAR:  Eduardo Roy, Jr. (Pamilya Ordinaryo)

MOVIE ACTOR OF THE YEAR:  Daniel Padilla (Barcelona)

MOVIE ACTRESS OF THE YEAR:  (TIE) Nora Aunor (Kabisera) and Vilma Santos (Everything About Her)

MOVIE SUPPORTING ACTOR OF THE YEAR:  Xian Lim (Everything About Her)

MOVIE SUPPORTING ACTRESS OF THE YEAR:  Ana Capri (Laut)

NEW MOVIE ACTOR OF THE YEAR:  Joshua Garcia (Vince & Kath & James)

NEW MOVIE ACTRESS OF THE YEAR:  Hasmine Killip (Pamilya Ordinaryo)

CHILD PERFORMER OF THE YEAR:  Rhed Bustamante (Seklusyon)

MOVIE SCREENWRITER OF THE YEAR: Rody Vera (Die Beautiful)

MOVIE CINEMATOGRAPHER OF THE YEAR:  Carlo Mendoza (Die Beautiful)

MOVIE PRODUCTION DESIGNER OF THE YEAR:  Ericson Navarro (Seklusyon)

MOVIE EDITOR OF THE YEAR:  Benjamin Tolentino (Die Beautiful)

MOVIE MUSICAL SCORER OF THE YEAR:  Carmina Cuya (Everything About Her)

MOVIE SOUND ENGINEER OF THE YEAR:  Albert Michael Idioma and Bebet Casas (Seklusyon)

MOVIE ORIGINAL THEME SONG OF THE YEAR: Imagine You And Me (Imagine You And Me) – lyrics by Nicomaine Mendoza, music by Marvic Sotto, music arrangement by Jimmy Antiporda, interpreted by Alden Richards and Maine Mendoza

INDIE MOVIE SCREENWRITER OF THE YEAR: Fatrick Tabada and Moira Lang (Patay Na Si Hesus)

INDIE MOVIE CINEMATOGRAPHER OF THE YEAR: Ice Idanan (Sakaling Hindi Makarating)

INDIE MOVIE PRODUCTION DESIGNER OF THE YEAR: Arthur Nicdao (Ang Hapis At Himagsik Ni Hermano Puli)

INDIE MOVIE EDITOR OF THE YEAR:  Carlo Francisco Manatad (Pamilya Ordinaryo)

INDIE MOVIE MUSICAL SCORER OF THE YEAR: Francis De Veyra and Tonton Africa (Ang Hapis At Himagsik Ni Hermano Puli)

INDIE MOVIE SOUND ENGINEER OF THE YEAR: Raffy Magsaysay (Kusina)

INDIE MOVIE ORIGINAL THEME SONG OF THE YEAR: Panata (Tibak, The Story of Kabataang Makabayan) – composed by Alimuddin Ariesgado, arranged by Karl Ramirez, interpreted by Marion Aunor

Show comments