^

Pang Movies

Lagi raw hinihipuan si Maine, Alden inakusahan ng sexual harassment!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Lagi raw hinihipuan si Maine, Alden inakusahan ng sexual harassment!

Alden at Maine

Ang titindi naman ng bashers ni Alden Richards at wala na nga yata talagang magawa. Pagkatapos intrigahin na may anak na ang aktor, ngayon naman ay inaakusahan nila ng sexual harassment ang Pambansang Bae.

Ayon sa reklamo ng fans, “nahihipuan” na raw ni Alden ang ka-loveteam na si Maine Mendoza sa Eat Bulaga show nila. Hindi rin nila nagugustuhan ang pagiging touchy ng aktor sa dalaga every now and then at parang pang-aabuso na raw ito.

May isa pang netizen na nag-post sa Twitter calling the attention of Eat Bulaga management and the MTRCB (Movie and Television Review Classification Board) at pinaiimbestigahan niya ang reklamong sexual harassment laban kay Alden dahil masyado na raw offensive ang mga paghawak ng aktor kay Maine.

Sa totoo lang, ang OA ng dating sa amin ng reklamong sexual harassment gayung si Alden nga ang siyang parating pumoprotekta kay Maine lalo na kapag nasa labas sila at napapaligiran ng maraming tao.

Damn if you do, damn if you don’t ang nangyayari nga ngayon kay Alden dahil kapag hindi naman siya sweet sa ka-loveteam, kung anu-ano rin ang sinasabi nila. Saan pa lulugar ang aktor?

Pero pinakagrabe na yata ang akusahan siya ng harassment at malinaw na talagang nag-iisip na lang sila ng ikasisira ni Alden. Gusto na ba nila talagang mabuwag ang AlDub loveteam?

Matagal nang artista si Alden at noon pa ay pinupuri ang kanyang pagka-gentleman at pagkamarespeto sa mga kasamahan lalo na sa mga female actress. Marami na siyang nakasamang artistang babae at wala namang nagrereklamo na bastos siya.

Besides, kung may unang dapat magreklamo kung nababastos siya, ito ay walang iba kung hindi si Maine.

Sa totoo lang, kami ang nalulungkot para kay Alden na ang gusto lang naman ay masiyahan ang fans nila and yet, ganito pa ang napapala niya.

Sa kasalukuyan ay wala pang statement si Alden tungkol dito dahil as we write ay nasa biyahe raw ito patungong Japan kasama si Maine at ang Dabarkads ng Eat Bulaga.

Karla at ina ni Kathryn nagpa-practice nang maging mag-balae

Ayon kay Karla Estrada, nagpa-practice na raw sila ng mommy ni Kathryn Bernardo na si Min Bernardo ng pagiging mag-balae.

Guest ang nanay ni Kathryn sa Magandang Buhay aired yesterday kung saan ay isa nga sa hosts si Karla. Siyempre, napag-usapan ang kani-kanilang mga anak at nakakatuwa ang dalawa na halatang magkasundung-magkasundo.

Natanong si Mommy Min ni Jolina Magdangal kung nag-o-open-up ba si Kathryn sa kanya tungkol sa closeness nito with Daniel at ayon sa ina ay oo naman daw.

“Oo naman kasi kung wala ako, eh ‘di wala din silang dalawa,” sabi ni Mommy Min at ipinakita naman si Karla na sumasang-ayon.

“Kasi laging nag-aaway ang dalawang iyan. So ako ang nagpapaliwanag sa kanila na hindi lahat ng bagay, pinag-aawayan. Dapat pinag-uusapan iyan. So kung hindi sila nagkakaintindihan, nandoon ako, namamagitan ako sa kanila,” page-elaborate ng mommy ni Kathryn.

Dahil nga “sila” ang tawag ni Mommy Min, natanong na rin siya kung “sila” Daniel at Kahryn na nga.

Pero sey ni Karla, “hindi naman sila nag-confirm, gusto n’yo, kami pa ang mag-confirm.”

Dagdag pa ng ina ni Daniel, “di namin pwedeng sagutin ‘yun. Basta’t sila lang ang may karapatang magsabi kung ano ang meron sila,” saad ni Karla.

At this point ay natanong na nga sila kung balae na ba ang turingan nila at sagot ni Karla, “nagpa-praktis na kaming maging magbalae.”

Noon pa naman daw talaga ay sila na ni Mommy Min ang nagkakaintindihan pagdating sa mga pagha-handle sa kanilang mga anak.

“Ang totoo talaga riyan, wala pa ang lahat, wala pa ang mga fans, kami ni Ate Min, nagkakaintindihan na kami sa lahat. Kapag may problema, nagtatawagan kami. Lahat ng bagay na iyan, nasa taas kami ni Ate Min. Alam namin, nakikita namin.

“Pagdating naman sa mga anak namin, kami ni Ate Min, kami ang talagang kailangang nag-uusap kapag may mga problema, kung masaya. Ang maganda kasi sa mga anak namin, nagku-complement sila with each other. Never sila naghilahan pababa.

“Pero kami, nandito kami to guide them hanggang sa dulo. Support talaga, ‘di ba? And at the end of the day naman, kung ano naman ang desisyon nina Kathryn at Daniel, sila naman ang masusunod. Tutal, tumatanda na rin naman sila. Nandito lang kami para mag-guide talaga,” pahayag ni Karla.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with