Andrea panay ang pasilip sa boobs
Umabot na sa 100,000 views ang ipinost na video ng Kapuso sexy actress na si Andrea Torres sa kanyang Instagram account na eksena niya sa pilot episode ng Alyas Robin Hood.
Hindi nga binigo ni Andrea ang mga nag-aabang ng kanyang pasabog sa unang episode pa lang ng Alyas Robin Hood noong nakaraang linggo.
Noong tanggalin ni Andrea ang wetsuit ay bumungad agad ang mayayamang dibdib nito at ang walang ka-effort-effort na hourglass figure nito sa flesh-colored swimsuit.
Sey ni Andrea, pinaninindigan lang daw nito ang pangako ng character niyang si Venus na hindi malilimutan ng marami ang eksena niya.
“Alam n’yo naman, hindi puwedeng si Venus ay e-enter ng ganun-ganun na lang. Kailangan talaga meron siyang moment.
“With Alyas Robin Hood, parang ewan ko nagkakaroon ako ng lakas ng loob.
“Ang dami kong na-conquer talaga na fears. And at least ano, nakatulong din siya sa everyday life ko. At least hindi na ako ganun kamatatakutin,” ngiti pa niya.
Isa si Solenn Heussaff sa umamin na makakabog ito sa seksing katawan ni Andrea. Kaya paghahandaan daw niya nang husto ang magiging showdown nila.
Natuwa naman si Andrea kay Solenn at mukhang magiging BFF sila bago pa man matapos ang Alyas Robin Hood.
“Sobrang mag-i-enjoy kaming dalawa.
“Magkasundo kami, eh. ‘Pag nag-uusap kami, okay talaga, maganda ‘yung pakiramdam ko sa kanya.
“Kaya mukhang may bago akong BFF. Ang gusto ko kay Solenn, hindi siya nagpe-pretend. Mabait talaga siya at ramdam ko iyon sa kanya talaga.
“Kung magkaroon man kami ng showdown, trabaho lang lahat at bahala na si Pepe na mamili kung si Iris o si Venus pa rin ba?” pagtapos pa ni Andrea Torres.
Iya nag-iba ang tingin nang makasama si Heart
Inamin ni Iya Villania-Arellano na hindi niya akalain na magiging close sila ni Heart Evangelista-Escudero nang magkasama sila na mag-taping ng ilang eksena sa South Korea para sa primetime teleserye ng GMA 7 na My Korean Jagiya.
Sey ni Iya na kahit matagal na niyang kilala si Heart, hindi raw siya naging close rito. Kaya paano raw sila magmumukhang best friends sa teleserye?
“Actually, I was a little nervous to accept the project kasi alam ko nga na magiging best friend ako ni Heart. Paano kami magiging best friends eh, hindi naman kami masyadong ma-chika?
“Mayroon kaming chances before to be friends like MYX and Sunday All Stars, pero hindi lang kami naging close,” kuwento pa ni Iya.
Pero dahil nagkaroon sila ng bonding sa South Korea, nakilala raw nila ang isa’t isa nang husto.
“I’m so thankful I was given the opportunity to get to know her here.
“I would like to say ngayon na hindi ko make-claim na best friends kami, pero pagkatapos nito baka best friends na kami.
“Sobra akong natutuwa kay Heart, because from what I thought of her before, it’s so different to what it is.
“I didn’t expect that I’d be so comfortable with Heart. Sobra kaming magkaibang tao, parati siyang maganda at maayos, ako ang brusko,” natatawang sey pa ni Iya.
Hindi naman daw nahihirapan na bumalik sa paggawa si Iya ng teleserye kahit may anak na itong inaasikaso.
Hollywood comedy genius na si Jerry Lewis sumakabilang buhay sa edad na 91
Maraming Hollywood comedians ang nalungkot sa pagpanaw ng original na gumanap sa The Nutty Professor at naging inspirasyon ng maraming comedians ngayon na si Jerry Lewis.
Sumakabilang-buhay ang komedyante sa kanyang Las Vegas home sa edad na 91.
Isa sa pinakasikat na comedian at filmmaker sa buong mundo si Lewis noong ‘50s hanggang sa early part of the ‘80s.
Ang kanyang slapstick type of comedy ang siyang nagpasikat sa kanya at naging big hit siya sa mga nightclubs hanggang sa ma-penetrate niya ang TV at pelikula.
Naging famous ang tambalan nila ng singer-comedian na si Dean Martin. Nagkaroon sila ng hit TV show na Martin & Lewis. Gumawa rin sila ng ilang pelikula hanggang sa magkaroon ng solo career si Martin at nagdesisyon si Lewis na mag-solo act na rin.
Pinasok ni Lewis ang recording at nagkaroon siya ng resident act sa Las Vegas. Ginawa niya ang mga pelikulang The Sad Sack, Rock-A-Bye-Baby, The Geisha Boy, Don’t Give Up The Ship, Visit To A Small Planet, The Bellboy and The Nutty Professor.
Bukod sa pagiging performer, isa ring humanitarian si Lewis at siya ang naging spokesman at national chairman para sa Muscular Dystrophy Association for 44 years.
Tumutulong na mag-raise funds si Lewis sa pamamagitan ng live shows at telethon. Nakapag-raise si Lewis ng higit na $2 billion para sa kanyang charity.
Tinamaan na ng ilang sakit si Lewis tulad ng prostate cancer, pulmonary fibrosis and two heart attacks. Pero hindi iyon nakapagpatigil sa kanya na lumabas sa kanyang one-man shows noong 2016.
Noong 2009, binigyan siya ng Academy of Motion Picture Arts and Sciences ng Jean Hersholt Humanitarian Award for his charitable activity. Nabigyan din siya ng two stars on the Hollywood Walk of Fame — one for his movie work, the other for television — and an induction into the Légion d’Honneur, awarded by the French government in 2006.
Noong 2013, ni-recgonize siya sa Cannes Film Festival as a “towering figure in cinema”. Ang last film appearance ni Lewis ay sa pelikulang The Trust noong 2016.
- Latest