Ang Oscar best actress (for La La Land) na si Emma Stone ang hinirang na ‘highest-paid actress’ sa Hollywood ngayon ayon sa Forbes magazine.
Nagku-command na ng higit sa $26 million per picture si Emma.
Isa na rin sa maituturing na box-office star si Emma dahil kumita ng $445.3 million ang pelikula niyang La La Land sa global box-office.
“I moved here when I was 15 to start auditioning, I knew what it felt like to go on audition after audition,” kuwento pa ni Emma ng kanyang humble beginnings sa Hollywood.
Nasa ikawalang spot ay si Jennifer Aniston with $25.5 million para sa pelikulang ginagawa niya titled The Yellow Birds.
Bumaba from number one to number three si Jennifer Lawrence with $24 million per film. Ginagawa niya ngayon ang pelikulang Mother! at Red Sparrow.
Ang iba pang nasa top 10 highest-paid actresses ay sina: Melissa McCarthy ($18 million); Mila Kunis ($15.5 million); Emma Watson ($14 million); Charlize Theron ($14 million); Cate Blanchett ($12 million); Julia Roberts ($12 million) at Amy Adams ($11.5 million).
Gary hindi inakalang susundan ng anak
Thankful ang aktor na si Gary Estrada na marami ang sumusuporta sa kanyang panganay na anak na si Kiko Estrada, lalo na’t nagiging mahusay na itong kontrabida sa teleserye na Mulawin Vs. Ravena.
Isa si Gary sa naging original cast ng Mulawin noong 2004 bilang si Rasmus at si Kiko ang nagpatuloy ng kanyang dugong Ravena bilang si Rafael.
Kapag napapanood nga raw ni Gary si Kiko, hindi raw siya makapaniwala na nabigyan ng big break ang kanyang panganay.
Love child ni Gary si Kiko sa dating aktres na si Cheska Garcia.
“I’m so proud of my son, alam niya ‘yon.
“Ever since nabigyan siya ng break sa Sinungaling Mong Puso, tuwang-tuwa ako sa narating na niya especially now with Mulawin Vs. Ravena.
“Kapag napapanood ko siya, hindi ko maiwasan na mag-flashback especially noong baby pa siya. Hindi ko inasahan na he will be the actor that he is now. Tapos nanalo na siya ng acting award. Parang ang galing naman ng anak ko!,” ngiti pa ni Gary.
Ang magandang pakikisama sa showbiz ang sikreto ni Gary kaya patuloy pa rin siyang kinukuha sa mga teleserye. Tulad ngayon ay kasama pa rin siya sa cast sa pagbabalik ng Alyas Robin Hood bilang si Caloy, ang nakakatandang kapatid ni Pepe na ginagampanan ni Dingdong Dantes.
Dave inuulan ng projects
Sobrang blessed si Dave Bornea dahil sunud-sunod ang mga project na ginagawa niya ngayon sa GMA-7.
Kahit na hindi pinalad bilang isa sa finalists ng Starstruck 6 si Dave, daig pa niya ang winner nito na si Migo Adecer sa rami ng trabaho.
Sey nga ni Dave, blessings daw lahat ang dumarating sa kanya. Kaya pinagbubutihan daw niya ang pagtrabaho para hindi raw siya mapahiya.
“Tulad nga po itong Alyas Robin Hood, natuwa ako na sinali pa rin nila kami ni Lindsay de Vera sa cast. Ibig pong sabihin ay kahit paano ay nakatulong kami sa show kaya sinama pa rin kami,” sabi ni Dave.