^

Pang Movies

Ate Vi wala sa isip ang maging National Artist

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Ate Vi wala sa isip ang maging National Artist

Vilma Santos

Sino bang artist ang hindi nangarap na mai­deklarang isang “national artist”? Simula pa nang ang sinasa­bing pinakamataas na parangal sa mga artist ay nilikha sa pamamagitan ng isang Presidential Proclamation bilang 1001 ni dating Pangulong Ferdinand Marcos noong Abril 2,1972, lahat ay nag-ambisyon nang maparangalan. Maski na nga iyong mga “maka-dilaw” nag-aambisyon ding magawaran ng parangal na nilikha ni Marcos.

Ang pelikula, bagama’t tinatawag na isang industriya rito sa ating bansa ay itinuturing din namang sangay ng sining, at marami na ring film artists ang naideklarang national artists. Marami pa ang nagkakampanya at nag-aambisyon.

Iyong fans ni Vilma Santos ay naniniwalang ang kanilang idolo ay dapat makabilang din doon dahil sa kanyang mga naging kontribusyon sa sining ng pelikula at telebisyon. Bukod doon, walang masamang record si Ate Vi na nagdulot ng kahihiyan sa bansa.

Pero kung ang congresswoman at Star for All Seasons ang tatanungin, hindi siya particular sa karangalang iyan. Ang katuwiran niya, kung darating ok. Kung hindi ay ok rin naman. In fact, sinabihan niya ang fans niya na mahirap iyan dahil kailangan lahat may full documentation at hindi biru-birong pagod iyan. Para ngang ang gustong sabihin ni Ate Vi sa kanyang fans, “mas marami pang ibang bagay na magagawa natin ngayon”.

“Ang feeling ko kasi kung talagang dapat, darating din iyan. Hindi naman iyan minamadali. Aminin natin, noong mag-artista ako, hindi ko naman inisip iyan. Ni hindi ko nga iniisip ang manalo ng awards. Iyang awards para sa akin parang bonus iyan eh. Gawin mo ang pinakamahusay na magagawa mo, hindi dahil para manalo ka ng award kung hindi dahil pinagtiwalaan ka ng director mo, producer mo, mga ibang artistang kasama mo, ng fans at ng publiko in general na umaasang magpapakita ka ng magandang ac­ting. Iyon lang ang nasa isip ko. Sa akin enough motivation na iyon para husayan ko ang trabaho ko.

“Isa pa, ang feeling ko talaga I still have a long way to go. Marami pa akong gustong gawin. Gusto kong mag-direct ng pelikula pagdating ng panahon. Gusto ko ring mag-produce. Ang feeling ko kung ako na mismo ang gagawa ng pelikula, iyong ako ang director at producer, at saka ko lang masasabi na talagang pelikula ko iyon. At saka tayo mag-usap nang husto tungkol sa mga awards na ganyan.

“Hindi ko inambisyon iyon, pero nakuha ko iyong Presidential Lingkod Bayan award, iyan ang highest decoration na maaaring makuha ng isang nasa public service, at ang Civil Ser­vice Commission mismo ang gumagawa ng recommendation para sa mga bibigyan niyan. Dumating, hindi ko naman pinangarap, basta ako ang ginawa ko naglingkod lang ako nang tapat sa bayan.

“Ang feeling ko ganyan din ang pagiging isang artista. Dadating lahat iyan sa tamang panahon, pero bilang isang aktres, palagay ko marami pa akong magagawang mas maganda. Active pa naman tayo eh. Hindi pa naman tayo due for retirement. Hayaan na ninyong mauna iyong iba. Marami pa akong gaga­wing pelikula eh. Palagay ko hindi ko nga lang maasikaso, may magagawa pa akong iba sa TV. Hindi ba nasa Batangas pa lang ako may naghihintay na sa aking isang TV show sana.

“Ayokong isipin ang mga award, pero natutuwa ako kung dumarating. Itong taong ito, tatlo na ang awards ko. Nauna iyong Eddys, tapos Urian, tapos mayroon pa iyong PMPC. To get three in one year na iisang pelikula lang naman ang ginawa ko, sobra na iyon. Happy na ako roon. Kaya kung ako ang tatanungin, at saka na natin pag-usapan iyong iba pa. Darating din iyon kung talagang para sa atin iyon. Sa ngayon mag-enjoy muna tayo na may ginagawa tayong pelikula, kumikita ang mga pelikula natin at nananatili ang suporta ng publiko. Para sa akin iyon ang mas mahalaga eh, bilang isang pulitiko man o bilang isang artista, napakahalaga iyong hindi nawawala ang tiwala sa iyo ng publiko. Maganda pa naman ang record natin sa pulitika, we still enjoy popular support. Maganda rin naman ang record natin sa pelikula, kumikita pa rin ang mga ginagawa nating pelikula. Dahil iyan sa suporta ng publiko at iyan ang mas mahalaga,” patapos na sabi ni Ate Vi.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with