^

Pang Movies

Heart ibinida ang sosyal na table set up

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Heart ibinida ang sosyal na table set up

Heart Evangelista

Punong-abala si Heart Evangelista para sa intimate birthday party na ibi­nigay sa kanyang Korean leading actor na si Alexander Lee sa kanyang 29th birthday last Saturday sa kanyang bahay.  Ang  kanyang Ate Happy Ongpauco ang kasama niya sa pag­hahanda.

“Love my plates – a mash up of European and Chinese history!” deskripsyon ni Heart sa Fil-Spanish dinner na set up.

Super-istima rin ang husband ni Heart na si Sen. Chiz Escudero ang mga bisita sa okasyong ‘yon. Dumalo naman ang co-stars ni Heart sa My Korean Jagiya na sina Janice de Belen, Ricky Davao at Korean actress na si Michelle Oh.

Solenn pigil na pigil ang iyak nang makaharap ang mga sundalo

Bumisita sa pangalawang pagkakataon si Solenn Heussaff sa mga sundalo nating biktima sa Marawi attack last July 21 at isinulat niya ito sa kanyang blog. Life-changing para sa Kapuso actress ang karanasan niya roon.

Nakilala niya kasi ang mga sundalong nagtamo ng PTSD o post-traumatic stress disorder at naiyak talaga siya sa nakitang sitwasyon doon.

“So many people in that hospital deserved to cry, but definitely I wasn’t one of them. While I was wiping my tears, feeling so overwhelmed by what I was seeing…I was a loss for words. How could life be so unfair?”

Sa ngayon, marami na ang showbiz personalities na naglilikom ng pera at gamit para i-donate sa ating mga sundalo. Para kay Solenn naman, nais niyang ipakilala sa buong Pilipinas ang mga taong handang ipagtanggol ang bansa kahit buhay nila ang kapalit.

Kahit aminadong baliw-baliwan kung minsan, may seryoso ring side ang Kapuso actress at handang tumulong, huh!

Miss Millennial naiiba sa mga beauty contest

Patalbugan na ang 38 candidates ng Miss Millennial Philippines 2017 na konsepto ng Eat Bulaga mula sa iba’t ibang probinsiya ng bansa.

Ang ipagkaiba ang Miss MPH, pinu-promote nila ang local tourism sa kanilang probinsiya gaya ng isang kandidata mula sa La Union. Lingid sa kaalaman ng marami, bukod sa famous beaches sa LU, meron ding grape-picking farm sa bandang Bauang, huh!

Last Saturday ginanap ang launching ng candidates sa Eat Bulaga at kinagabihan, meron silang meet and greet with the entertainment press and bloggers.

Manood araw-araw sa EB at i-follow sila sa Facebook account ng noontime show para higit na makilala ang mga kandidata sa Miss Millennial Philippines 2017.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with