Pilar Pilapil at Cherie Gil pinalayas sa van ang mga ekstra?!
Nahihirapan akong paniwalaan ang mga balita tungkol kina Pilar Pilapil at Cherie Gil dahil mabubuting tao ang pagkakakilala ko sa kanila.
Anyway, sina Pilar at Cherie lang ang makasasagot sa intriga na tumanggi sila na makasama sa service van ang mga bitplayer.
Kung hindi ako nagkakamali, malapit sa Diyos dahil Christian na si Pilar kaya ang hirap isipin na mang-aapi siya ng kapwa. Sana, linawin nina Pilar at Cherie ang isyu para malaman ng publiko ang the truth and nothing but.
Mga effective na kontrabida sa TV at pelikula sina Pilar at Cherie kaya ang akala ng ibang mga tao, mga kontrabida rin sila sa totoong buhay.
Sex video ni Paolo buhay na buhay pa rin
Natawa ako sa kuwento tungkol sa isang tanong kay Paolo Bediones nang pumirma ito ng kontrata sa Viva Artists Agency.
Ang tanong kay Paolo, ready na ba siya na tumanggap ng daring roles?
Naaliw ako sa question dahil wala nang mas daring pa sa nag-leak na private videos ni Paolo ‘ha? Parang wala nang titindi pa sa mga sex video ni Paolo na pinagpistahan noong 2014 at hanggang ngayon, mapapanood pa rin sa mga adult site sa Internet.
Malaki ang posibilidad na gumawa uli ng pelikula si Paolo sa bakuran ng Viva Films dahil ito ang nagbigay sa kanya ng unang movie project noong 2003.
Hindi malilimutan ni Paolo na si Sharon Cuneta ang kapareha niya sa Walang Kapalit.
May swimming scene si Paolo sa pelikula kaya ni-require siya na magsuot ng swimming trunk.
Si Sharon ang pumili ng conservative swimming trunk na ginamit ni Paolo dahil skimpy trunk ang ipinapasuot sa kanya ng wardrobe staff.
Gladys at Celia mababaita ‘pag walang camera
Hindi totoo na kapag kontrabida ka sa pelikula o TV ang mga artista, salbahe rin sila sa tunay na buhay.
Kontrabida ang mga role ni Gladys Reyes pero napakabait niya na asawa, anak at kapatid. Bilang manager ni Gladys, saksi ako sa mga sakripisyo niya para sa kanyang pamilya.
Mabuting kaibigan din si Gladys at mapapatunayan ito ng kanyang bestfriend na si Judy Ann Santos. Sobra ang pang-aapi ni Gladys kay Juday sa mga eksena nila sa Mara Clara pero best of friends sila, in real life.
Matapobre, suplada at mapang-api ang image ni Celia Rodriguez pero isa siya sa mga veteran actress na napakabait at thoughtful, kahit tanungin n’yo si Marian Rivera.
Isa ako sa mga masusuwerte na nakatikim ng kabutihan ni Manay Celia na very motherly at matulungin din sa kapwa. Hindi ang tipo ni Manay Celia ang namimili ng makakasama niya sa service van dahil mabuting tao siya.
- Latest