Tawa lang nang tawa si Daniel Padilla sa mga comments na kamukha raw ni Kathryn Bernardo sa Jake Zyrus sa hitsura nito ngayon sa La Luna Sangre na short-haired at mukhang lalaki.
“Nakikita ko (ang mga comments sa new look ni Kathryn) pero ito namang mga tao lagi namang ganito. Si Kathryn ang tawang-tawa. Pero wala okay naman,” sabi ni Daniel in his latest interview.
Kasabay nito ay itinanggi rin ng Teen King na siya ang magiging leading man ni Liza Soberano sa Darna movie.
“Hindi wala namang nabanggit na ganon sa akin. Ano lang ‘yun, ilusyon ng ibang tao. Ako don parang malabo naman na makita niyo ako bigla tsaka may La Luna Sangre ako, malabo yun,” pahayag ni Daniel.
Oo nga naman.
Brillante pinasalamatan pa ng Palasyo sa pang-indie na direction sa SONA
Sa presscon ng mini-series niyang Amo ay natanong ang direktor na si Brillante Mendoza tungkol sa feedback ng direksyon niya ng SONA (State of the Nation Address) ni Pres. Rodrigo Duterte held last Monday.
Pangalawang beses nang nag-direk ng SONA ang naturang award-winning director at siyempre, lagi na’y may pumupuri at bumabatikos sa kanyang trabaho.
“Actually, may mga puna pa rin, hindi naman lahat positive. Of course, may mga puna, ‘yung mga extreme close-ups, no?” pahayag ni direk.
Pero masaya naman daw ang Presidente sa kanyang trabaho dahil nakatanggap pa siya ng text message mula kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar na kino-congratulate siya at nag-i-invite for a dinner dahil gusto raw siyang pasalamatan personally.
“So, basically, we’re happy and ito namang service ko sa ating bansa ay ginagawa ko hindi lang dahil sa ating administrasyon, hindi lang dahil kay Pres. Duterte kungdi it’s my way of giving back. I’m doing this for free, pro-bono. And sabi ko nga, kung sinuman ang artist who are willing to. . .you know, give his services for free, I think they would be most welcomed by Malacañang.
“And the reason I’m doing this also is because I believe in most of their advocacies,” saad ni direk Brillante.
Bago pa raw niya gawin ang Ma ‘Rosa ay talagang anti-drug advocate na siya kaya naman full support daw siya sa Duterte administration sa pagsugpo nito ng drug addiction sa bansa.
Paolo handa nang umarte!
Pagkatapos ng dalawang taon ding pamamahinga sa showbiz, nagdesisyon na si Paolo Bediones na bumalik and this time, hindi lang hosting ang gusto niyang balikan kungdi pati na rin acting kung may offers.
Pumirma ng kontrata si Paolo sa Viva Artists Agency (VAA) last Tuesday at aniya, marami silang napag-usapan na pwedeng gawin.
Ayon kay Pao, nag-decide raw siya na bumalik dahil na-realize niyang TV talaga ang kanyang mundo.
“It took a while for me to realize that I really still do love working on television, in front of the camera and behind. You know, sometimes, you try to deny it, eh. And during that break, when there were offers, I was able to say no because I knew, I wasn’t 100%, eh.And you know how I work, it has to be 100%, if it’s not, there’s no point.
“So, now I know I can deliver 80 to hundred (percent). We’re getting there.”
Excited na raw siya sa mga shows and hosting jobs na naka-line-up sa kanya tulad nga nitong musical show niya sa Cignal Entertainment, ang Good Vibes with Paolo na magsisimula sa Aug. 6.
He’ll also be hosting a big event under Viva, ang Historycon 2017 ngayong Aug. 10.