Anne napa-OMG sa emote ni Maine!

Anne Curtis
Certified fan girl pala ang phenomenal star na si Maine Mendoza nang makita niya ang matagal nang hinahangaang teen actress noong late 90’s si Kim delos Santos. In town si Kim for a vacation at kasama siya ng kaibigang si Sunshine Dizon na nag-judge sa weekly finals ng Eat Bulaga’s #DabarkadsGoals last Saturday, July 22.
Nag-post si Maine ng picture nila nina Sunshine at Kim sa kanyang Instagram account: “I have been a fan of 90s Tagalog cheesy films since I was a kid. Some of my favorites are Dito Sa Puso Ko, Honey My Love, So Sweet, Wala Na Bang Pag-ibig, DoReMi, Kung Ayaw mo Huwag Mo, and Ikaw Lamang. These movies never fail to make me happy and they also make me squeal like a pig because of kilig – up to now! Today (July 22), I met Ms. Kim delos Santos; and I could not suppress my excitement and happiness when I saw her in Eat Bulaga studio (malayo pa lang!), lalo na when she came up to me and gave me a hug. My fangirl heart is happy that I finally got to meet her, but I am happier to know that she is an AlDub fan too! I could not help but utter her famous line (from Ikaw Lamang) right in front of her, ‘eight eight eight eight, otso otso otso otso!’ means ‘I love you!’”
Nakakuha agad ang posts ni Maine ng 93,028 likes at 1,461 comments at nag-comment din si Kapamilya actress @annecurtissmith: “Oh my gosh KIM!!!! She’s in town!!” Magkakasama noon sina Anne, Kim at Sunshine sa Viva Films at sa TGIS ng GMA 7.
Barbie suko na sa panggagaya kay Kris
Na-bash si Barbie Forteza nang i-impersonate niya si Ms. Kris Aquino sa segment nilang Star Buzz sa Sunday noontime variety show na Sunday PinaSaya na nagsi-celebrate ng month-long 2nd anniversary, pero hindi niya pinatulan ang mga basher, kasi pinag-aralan naman niya ang pagsasalita ni Ms. Kris at kinarir niya ang pagsusuot ng yellow gowns na requirement sa kanyang character, at wala raw namang violent reaction ang Queen of All Media sa ginagawa niya.
Ngayon daw ay wala nang namba-bash sa kanya at sa halip nami-miss siya kapag wala silang segment nito.
Pahinga muna ngayon si Barbie sa teleserye at paggawa naman ng movie ang haharapin niya. Nag-story conference na sila ni Ken Chan ng pagtatambalan nila sa Regal Films, ang This Time I Will Be Sweeter na ididirek ni Joel Lamangan. Kung walang aberya, sa Friday, July 28, ang first shooting day nila.
At since Barbie will be celebrating her 20th birthday sa July 31, birthday gift niya sa sarili ang 10-day vacation sa Chicago. Pupuntahan niya ang sister niyang naka-base na roon at magsa-side trip sila sa New York City. First time niyang magta-travel alone at pinayagan naman siya ng parents niya.
- Latest