Tila nang-inggit ang Kapuso actress na si Heart Evangelista nang i-post niya ang ilang mga eksena sa South Korea kung saan kinukunan ang upcoming rom-com teleserye niya sa GMA 7 na My Korean Jagiya.
Sa Instagram account ng aktres, pinost niya ang isang location nila para sa naturang teleserye. Kabilang na rito at ang MBC Cultural Village kung saan kinunan ang ilang scenes ng sikat na hit Koreanovela series na Jewel In The Palace.
Caption pa ni Heart: “Yes, that’s right. This is the same filming location as Jewel in the Palace, which is inside MBC Cultural Village! I really enjoyed shooting #MyKoreanJagiya here! ”
Makakapareha ni Heart sa My Korean Jagiya ay isang sikat na Korean actor, pero hindi pa raw ito puwedeng sabihin dahil malaking sorpresa ito para sa mga fans ng mga Koreanovela series dahil may magaganap pa raw na grand reveal.
Ang iba pang kasama sa cast ng My Korean Jagiya ay sina Ricky Davao, Janice de Belen, Edgar Allan Guzman, Inah de Belen, Jake Vargas, Divine Aucina, Iya Villania, Frances Makil-Ignacio, Jinri Park, Valeen Montenegro at marami pang iba.
Angelika natuwa sa na-xerox na mukha
Nag-trending sa social media ang matinding eksena nila Sunshine Dizon at Angelika dela Cruz sa top-rating afternoon teleserye na Ika-6 Na Utos.
Usap-usapan at mabentang-mabenta sa mga netizen ang pag-xerox ni Emma sa mukha ni Geneva sa naturang teleserye.
“Nakakatawa naman kasi ‘yung eksena, ‘di ba? At least masasabi ko na na-xerox na ang mukha ko. Ikaw na-xerox ka na ba? ‘Di ba?” sabay tawa pa ni Angelika.
Dahil daw kay Sunshine kaya tinanggap ni Angelika ang role na Gemma kahit na hindi pa siya handa physically na magtrabaho sa TV.
Despacito most streamed song of all time
Ang hit single na Despacito ng Puerto Rican singer na si Luis Fonsi ang “most streamed song of all time.”
Umabot na raw sa 4.6 million streams ang Despacito sa YouTube at Spotify.
Ni-release ang Despacito noong nakaraang January 2017 lamang pero mas lumawak ang popularity nito nang makasama sa remix ng single si Justin Bieber noong nakaraang April.
Tinalo na ng Despacito ang 2015 single ni Bieber na Sorry na may 4.38 billion plays on YouTube and Spotify.
Ten weeks na nasa number one spot ang Despacito sa US singles chart. Ito ang first Spanish-language song to reach the top spot since Macarena in 1996.
Pati ang music video ng Despacito ay umabot na sa 4th most watched video with 2.66 billion views.
Sa Spotify naman, nasa 39th place ito on the all-time list.