^

Pang Movies

Julie Anne tuloy ang kumpetisyon sa Despacito ni Justin Bieber

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Julie Anne tuloy ang kumpetisyon sa Despacito ni Justin Bieber

Julie Anne San Jose

Umabot na sa 1.5 million views ang in-upload na cover version ng song na Despacito ng Kapuso singer-actress na si Julie Anne San Jose.

Ang Despacito ay hit Spanglish single ng Puerto Rican pop artist na si Luis Fonsi at ng rapper na si Daddy Yankee.

May sariling cover version din nito si Justin Bieber.

Pero ang cover version ni Julie ang siyang nakakatanggap ng mga papuri mula sa iba’t ibang may mga YouTube channel.

Tinawag na “awesome”, “slay” at “best cover version ever” ang cover version ni Julie ng Despacito.

May ilan pang nag-comment na mas maganda ang version ni Julie kesa kay Justin dahil mas ma­linaw at kabisado raw ni Julie ang lyrics ng Despacito.

Inawit for the first time live ni Julie ang Despacito sa GMA Grand Fans Day na ginanap sa Music Museum.

Laban ni Pacman sa Australia hindi na masyadong pinag-iinteresan ng mga Pinoy?!

Nasa Australia na ang Pambansang Kamao Manny Pacquiao para sa laban nito sa July 2 kay Australian boxer Jeff Horn.

Tila walang masyadong ingay sa media ang laban na ito ni Pacman.

Kung noon ay isang buwan bago ang kanyang laban ay sunud-sunod ang mga balita. Pero ngayon ay parang hindi na masyadong interesado ang mga Pinoy kung manalo man si Pacman o hindi sa laban niyang ito.

Pero sa pagdating ni Pacman sa Brisbane, Australia, bonggang welcome ang ibinigay dito ng Australian-based Pinoys.

Kilala pa rin si Pacman doon bilang isa sa greatest boxers of all time. Patuloy din ang pagbenta ng tickets doon para sa labanang Pacquiao-Horn na maga­ganap sa Suncorp Stadium in Brisbane.

“Nagpasalamat naman ako dahil nag-pray over sila sa akin, and support,” sey pa ni Pacman.

Pagkarating ni Pacman at ang kanyang entourage sa hotel ay nagsimula agad na mag-jogging ito papaikot ng hotel.

Alam din ni Pacman na hindi basta-bastang kalaban si Horn dahil agresibo ito at isang undefeated opponent.

Isang physical education teacher si Horn at nakilala ito sa buong Australia as the “fighting schoolteacher”.

Mas bata rin si Horn sa kanya, 29 years old ito, samantalang 38 na si Pacman.

Pero confident si Pacman na nasa kanya pa rin ang kanyang titulo pag-uwi niya ng Pilipinas.

Andre nagbalik-loob na sa basketball

Pagkatapos ng two-year lay-off, balik sa hard court si Andre Paras at nag­lalaro siya sa PBA D-League for AMA Online Education.

Naging busy nga si Andre sa paggawa ng teleserye at pelikula for the past two years. Nagbakasyon muna siya mula sa paglalaro ng basketball para makapag-concentrate sa acting.

Ngayon ay gusto na ulit ni Andre na maglaro ng kanyang paboritong sport.

“My former coach asked me if I wanted to play for him. I said yes to give it a shot even if I was out of shape and out of competitive basketball for almost 2 years.

“I feel great because I get to play the sport I fell in love with and also get to enjoy the competitive action,” diin pa ni Andre.

Pareho na sila ng nakababatang kapatid niyang si Kobe na nandito sa Pilipinas para maglaro sa Philippine team habang nakabakasyon ito.

Kaya naman daw pagsasabayin ni Andre ang showbiz at sports. Huling napanood sa telefantasya na Encantadia si Andre at tuwing Sunday naman ay nasa Sunday PinaSaya ito.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with