Ayon sa isang news website, pinalitan na raw ni Maine Mendoza si Kris Aquino bilang top product endorser at may paliwanag dito ang marketing expert.
“Maine Mendoza is now the country’s top product endorser, replacing Kris Aquino, according to a product marketing expert who analyzes the effect of celebrities on the product sales. Aquino is dubbed as the Queen of All Media and belongs to the family of politicians while Mendoza was first known as the Dubshmash Queen of the Philippines.
“It cannot be denied that Ms. Kris (Aquino) has been the favorite of product companies for more than two decades for their advertisements. But apparently, this has not been the case this year,” pahayag ni Soltero Salazar of the Association of Philippine Advertisers (APA) sa nasabing website.
He was referring to the 90s until Maine Mendoza became a phenomenal star.
Reportedly, early 2016, nakagawa na ng more than 30 TVC and print ads si Maine at nagtuluy-tuloy na iyon hanggang sa ngayon.
MTB may part 2
Congratulations sa team ng Meant To Be for the success of their final episode last Friday at kay Ken Chan as Yuan Lee, dahil siya ang pinili ng puso ni Billie (Barbie Forteza).
“Ikaw ang pinili ko Yuan dahil ikaw ang naalaala ko nung malayo ako, ikaw ang nagpapalakas ng loob ko, ikaw ang gusto kong makasama, kayo nina Luke at Lea, ikaw ang mahal ko,” sagot ni Billie sa one minute na tanong ni Yuan bakit siya ang pinili ni Billie.
As usual, masama ang loob ng mga fans ng tatlong boys na sina Ethan (Ivan Dorschner), Andoy (Jak Roberto) at Jai (Addy Raj) dahil hindi sila ang napili ni Billie. May nag-comment pang dapat daw ay si Ivan ang nanalo dahil siya ang nanalo sa online voting. Pero sabi nga ng production, kalahati lamang ang boto ng mga fans at ang kalahati na magdi-decide ay ang mga writers ng romantic-comedy na umere ng six months sa GMA 7. At may announcement na silang “Part 2 SOON.”
Rocco magso-solo sa Europe
Busy ngayon si Rocco Nacino dahil pagkatapos ng Encantadia, nagsimula agad silang mag-taping ng ka-loveteam na si Sanya Lopez ng new afternoon prime series na Haplos.
Tuluy-tuloy daw ang taping nila dahil last week of July ay airing na nila. Sa simula raw ay medyo nahirapan sila ni Sanya sa mga dialogues dahil one year silang nag-taping ng Encantadia at nasanay sila sa malalim na Tagalog na minsan daw ay nagagamit nila sa Haplos.
Aalis din daw siya ng three days for Jeddah para sa isang show with Betong Sumaya. At looking forward siya of traveling alone sa Europe kapag maluwag na ang taping schedules niya, na magsisimula siya sa Amsterdam.