Pokwang nakabuo na!

Pokwang

Buntis na nga raw ang komedyanang si Pokwang.

Pero wala pang official statement ang Kapamilya star.

Nung isang araw pa may nagkuwento tungkol sa nasabing pagbubuntis nito na ang ama siyempre ay ang boyfriend niyang foreigner na si Lee O’Brian.

Well, congrats Pokwang.

Gabby mas type balikan si Janice

Kaloka rin si Gabby Concepcion. Matapos tanggihan sa pelikula si Sharon Cuneta heto at magsasama sila ni Janice de Belen sa isang episode ng Magpakailanman ng GMA 7.

Yup at nag-start nang mag-taping kahapon ang dating magdyowa.

Ang sabi, matagal nang magkasundo sina Gabby at Janice dahil iisa ang manager nila, si Popoy Caritativo, samantalang sina Sharon at Gabby, malamig pa ang pagkakaayos lalo na nga’t tinanggihan ng actor ang reunion movie nila ni Ms. Shawie na kasalukuyan ngayong nasa Amerika para sa series of concerts. Anyhow, kasama niyang lumipad pa-US ang asawang si Sen. Kiko Pangili­nan at kanilang mga anak at sinabi ni Ms. Shawie sa kanyang social media account na susunod sa kanila si KC. Baka paraan ito para patunayan na wala talaga silang pinagdaraanan ng asawang senador.

Vice, Pia, Daniel movie kasado na sa MMFF

Tuloy na ang pelikula nina Vice Ganda, Pia Wurtzbach, and Daniel Padilla na sinasabing pang-Metro Manila Film Festiva (MMFF). Kahapon ay nagkaroon na sila ng story conference sa Manila Hotel kung saan din nagkaroon ng launching ang mga kandidata ng Miss Manila 2017.

Wala pang sinasabing title sa mga social media post kahapon pero definite na si Direk Joyce Bernal ang hahawak ng proyekto for Star Cinema.

Show comments