^

Pang Movies

Janella naghubad ng pang-itaas!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Janella naghubad ng pang-itaas!

Janella Salvador

Lumangoy na bilang sirena si Janella Salvador. Medyo malayo ang kuha sa kanya pero takip ng buhok niya ang kanyang dibdib.

Sa latest post ni Direk Jun Lana, ibinalita niyang ang partner ­niyang si Perci Intalan na ang director ng Janella-Elmo Magalona movie na My Fairy Tail Love Story. Sa pagkakaalam namin, si Direk Jun ang nagdirek ng unang eksena ng Regal movie na ilan sa bahagi ay kinunan sa Zambales.

This time, kumpirmado na si Direk Perci nang director nito. “ElNella couldn’t be in better hands.”

Si Direk Perci ang gumawa ng indie movie na Dementia ni Nora Aunor at isang episode ng Shake, Rattle & Roll.

Tom superhero ang tingin kay Carla

Sandigan ng lakas ni Tom Rodriguez ang girlfriend na si Carla Abellana. Maraming nadurog ang puso sa birthday greeting ng Kapuso actor sa kanyang Instagram account kahapon.

Para kay Tom, si Carla ang Wonder Woman ng buhay niya. Pero higit sa lahat, “To my rock, and my heart…Happy happy birthday. May your heart be brimming with all the happiness it deserves. I love you,” bahagi ng caption ni Tom.

Bumati rin kay Carla ang kaibigang si Lovi Poe. Sweet na sweet naman ang followers niya sa bati ni Tom sa GF.

Ryzza Mae inulan ng pagbati

Bumuhos ang pagbati kay Ryzza Mae Dizon ng Eat Bulaga Dabarkads. Kahit naiintrigang mas paborito na ngayon si Baeby Baste kesa kay Ryzza, ‘yung totoo lang eh, hindi pa rin siya pinabayaan ng Dabarkadas dahil naging bahagi rin siya ng programa.

Bati ni Pauleen Luna-Sotto, “Happy birthday, day! Koko krunch date later, I love you,” mensahe ni Poleng sa Instagram.

Mula naman kay Taki, “Happy Happy Birthday sa pinakamakulet, pinakamaingay na ‘cp hacker’ RYZZA MAE DIZON. I thought magkakaroon ako ng baby sister when I first me you…pero ‘Ate’ pala ‘cuz you are soooo mature, you work sooo hard and mas marami ka pa alam kesa saken. IDOL po kita, pati sa BANGS  hahaha! You are loved by sooo many and marami kang napapasaya everyday Lab na Lab kita!!! Lab na lab ka namin ni mommy and shun! Wish you all the best in this world bec you deserve it and sooo much more Ryza. Basta I’m always here for you…when you need a musically videos, bunny challenges, baliw baliwan and eating partner.”

Bumati rin si Baeby Baste. “Dear my Ate Ryzza, thank your kindness and for loving me. Your passion of being Ryzza Mae Dizon or Aleng Maliit is incredible, You put your heart into your endeavors and watching you do it inspires me a lot. I look up to you Ate Ry, thank you for being my ins­piration. Happy happy birthday I love you. God bless you and your family.”

Bukod sa Eat Bulaga, binigyan din si Ryzza ng segment sa Sunday PinaSaya.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with