^

Pang Movies

Angel ibang pangalan ang ginamit sa Marawi

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Pati si DSWD Secretary Judy Taguiwalo ay binati at pinuri si Angel Locsin dahil sa ginawa niyang pagdalaw sa ilang evacuation areas sa Iligan at Marawi City. Hindi basta-basta ang magpunta sa mga lugar na may kaguluhan, pero si Angel ay sanay naman sa volun­teer work talaga. Nagpunta siya mismo sa Marawi at Iligan, at sinasabi nga niyang hindi dahil siya si Angel Locsin. Siya si Angelica Colmenares na isang karaniwang tao at nais mag-volunteer.

Hindi na bago iyan eh. Natatandaan namin noong panahon noong Typhoon Yolanda, nakita mismo si Angel na nakasalampak ng upo sa lapag doon sa operations center ng Philippine Red Cross at kasama ng marami pang ibang volunteers na nagre-repack ng relief goods para sa mga biktima ng super typhoon. Ang kaibahan pa ni Angel, hindi lang siya volunteer sa trabaho, nagdadala pa siya ng sarili niyang relief goods bukod sa tumutulong sa solicitation. Sabi nga nila, sa fans lang ni Angel noon ay ang dami nang dumating na relief goods, at kung si Angel ba naman ang hihingi ng tulong sa iyo, matatanggihan mo ba?

Nag-donate pa siya ng isang vintage car na binili niya para mai­dagdag ang napagbilhan ng mga relief goods para sa mga biktima ng bagyo. Noong lang din nalaman na iyan palang si Angel ay ma­tagal nang volunteer, at regular volunteer siya ng Red Cross.

Ang ginagawa ni Angel, naranasan din namin iyan noong araw eh, at ang satisfaction ng mga taong ganyan ay iyong sila mismo ang makapunta sa disaster area. Gusto nilang naipapamigay nang maayos ang kanilang pinagpaguran, hindi iyong itinatago lamang sa bodega hanggang sa mabulok, tapos ibabaon na lang. Maraming nangyaring ganyan noong panahon ng Yolanda. Marami ring relief goods na napunta sa mga buyer kaya naibentang muli. Nakita namin iyon sa isang supermarket eh, may tatak pa ang de latang “white label” na ang nakalagay “government pro­perty. Not for sale”. Donasyon iyon ng mga foreign governments pero ibinebenta.

Kaya kami bilib sa mga kagaya ni Angel eh. Si­guro bilang artista hanga kami sa kanya, pero bilang isang volunteer worker mas hanga pa kami. Iyan iyong maaaring maging icon kagaya ni Rosa Rosal pagdating ng araw. (sundan sa pahina 5)

Mark Anthony naiyak sa pagsasakdal

Napaiyak na lang daw si Mark Anthony Fernandez nang basahan ng sakdal na “illegal transport of dangerous substance”. Kaugnay iyan ng pagkakahuli sa kanya na may dalang isang kilong marijuana. Ginamit na ebidensiya sa kanya ang sarili niyang statement. Noong una kasi sinabi niyang iyon ay for personal use lang niya, dahil ginagamit niyang gamot. Noong ikalawa niyang statement, sinabi niyang hindi sa kanya iyon kundi bibilhin pa lang sana niya.

Aywan kung may abogado na siya nang gawin niya ang statement na iyon, o ginawa niya iyon sa initial investigation lamang. Pero ginawa niya ang statement na nagdidiin sa kanya ngayon. Hindi sana nangyari iyan kay Mark kung naging maingat lang siya, o hindi siya nagbisyo ng alam niyang bawal.

Hindi masamang tao si Mark. Naimpluwensiyahan lang iyan nang medyo wala sa ayos.

Kiko pang-bida raw ang hitsura

Hindi si Kiko Estrada ang bida sa kanilang serye, pero mukhang mas napag-uusapan siya nang lumabas na ang kanyang character. Mas marami kaming naririnig na nagsasabing “mas guwapo si Kiko Estrada. Sana siya na lang ang bida”.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with