Nagluluksa ngayon ang aktres na si Meg Imperial dahil sa pagpanaw ng kanyang amang si Lester Hernandez noong nakaraang May 26.
Hindi nabanggit ng D’Originals actress kung ano ang naging sanhi ng pagyao nito, pero noon pa raw may karamdaman ang kanyang ama at inaalagaan ito ni Meg.
Sa kanyang Instagram ay nag-post si Meg ng isang photo ng kanyang ama, kasama ang kanyang ina, noong minsan silang nagbakasyon sa Hong Kong Disneyland.
Punung-puno ng hugot ang caption ni Meg dahil sa sobrang mahal niya ang kanyang ama.
“I will miss taking pictures of you two. Mom will be sad now that she’s alone sa room and wala na sya sakit sa ulo. I love to see you smile Pa!
“I know you’re not showy at yun ang nakuha ko sayo but I know you love us so much. I didn’t know you cried when I bought Cake for you that night.
“The day i saw you suffer, it was so painful especially when you called me ‘ate’ before you stop breathing.
“Mamimiss ko ang pagpasok mo sa room ko kapag wala ako para kumuha ng stick-O at coins. I will miss yung pagkain mo ng chocolates ko sa ref. I will miss you driving for me sa work and waiting for me the whole time.
“Kung alam ko lang na ngayon mangyayari to sana di na ako nag taping at umuwi na kasama mo sa Bicol to hug mama as you wish.
“Sana binasa ko lahat sayo ng greetings kung alam ko na wala sayo phone mo.
“And sana nakipag-inuman ako sayo that night pa instead natulog. I love you so much pa! Please rest now.”
Gil napi-pressure kay Alden
May contract pa pala ang bagong Kapuso leading man na si Gil Cuerva sa Thailand kung saan nagtatrabaho siya bilang isang modelo noong makatanggap siya ng tawag na siya ang napiling gaganap na Matteo Domingo sa teleserye na My Love From The Star.
Nag-audition kasi si Gil noong umuwi siya ng Pilipinas para ayusin lang ang working visa niya. Wala naman daw siyang expectations na makukuha siya bilang leading man ni Jennylyn Mercado.
“Actually, the whole modeling nasa-sacrifice ko na kasi acting ‘yung nagiging focus ko ngayon,” kuwento niya.
Nalaman din ni Gil na originally ay kay Alden Richards ang role na Matteo, pero naghanap ang GMA-7 ng new leading man for Jennylyn dahil may gagawin na ibang teleserye si Alden.
“I felt the pressure so much. What adds to the pressure po ay si Alden Richards pa ‘yung dapat magiging Matteo.
“And Direk Joyce Bernal have to talk to me to get to know me and tell me to just relax and not to be hard on myself, to just enjoy,” sey pa niya.
Puro magagandang words naman ang nasabi niya tungkol sa leading lady niyang si Jennylyn.
Aso ng music legend na si Barbra Streisand pinagluksaan
Maraming netizens ang nakiluksa sa screen and music legend na si Barbra Streisand dahil sa pagpanaw ng pinakamamahal nitong aso na si Samantha or Sammie
Isang Coton De Tulear ang lahi ng aso ni Barbra na inalagaan niya for 14 years.
Laging kasama si Sammie sa mga pino-post ni Barbra na photos sa Instagram at may sariling fans na nga ito.
Pinost ng 75-year old singer-actress ang last photo na buhay si Sammie na yakap pa niya ito sa kanyang kusina noong nakaraang May 14. Ang kumuha ng photo ay ang anak ni Barbra na si Jason Gould.