Matagal ding nanahimik ang kontroberyal na si BB Gandanghari simula noong magdesisyon siyang tumira na sa Amerika para malayo sa intriga at mamuhay ng tahimik.
Pero kamakailan ay binalita ni BB sa kanyang social media account na magkakaroon siya ng sarili niyang online talk show titled BB Talk via YouTube.
“#bbtalk... when 5mins of your time will always feel well spent... and that’s a promise. Talk to you guys very, very soon!!!” post ni BB.
Ang BB Talk ay isang 5-minute show na ang goal ay “to inspire as well as entertain viewers with topics ranging from the mundane to the extraordinary.”
Sa unang episode ng BB Talk, pinag-usapan nila ang topic na change.
Tamang-tama lang ang topic dahil dumaan si BB sa malaking pagbabago sa kanyang pagkatao, mula sa aktor na si Rustom Padilla ay naging isa siyang kontrobersyal na transgender na si BB Gandanghari.
“One is because it takes you out of your comfort zone... The other thing is when you try to embrace change, there is always the possibility of encountering intersections along the way...” sey pa ni BB sa kanyang online talk show.
Maxine Medina ‘di invited, Miss U candidates nag-reunion
Apat na buwan pa lang ang nakalipas matapos ang 65th Miss Universe dito sa Pilipinas. Pero nagkaroon ng biglaang reunion ang ilang candidates dahil sa isang malaking event sa bansang Cayman Islands.
Nagsama-sama ang ilang Miss Universe contestants sa Cayman Carnival Batabano event. Pinangunahan ito ni Miss Universe 2016 from France na si Iris Mittenaere. Kabilang din sa event sina Miss Great Britain Jaime Lee Faulkner; Miss Iceland Hildur Maria Leifsdottir; Miss Belize Rebecca Rath; Miss Haiti and Miss Universe 1st runner-up Raquel Pelissier; Miss Curacao Chanelle de Lau and Miss Barbados Shannon Harris.
Kanya-kanyang eksena ang mga contestant na mala-diyosa sa kanilang suot na turquoise lingerie with matching headpieces and wings!
Siyempre, standout sa grupo si Iris na mukhang Victoria’s Secret model sa suot niya.
Nagkaroon din ng panahon ang mga contestants na magtampisaw sa pamosong beach sa Cayman Islands. Muli ay kanya-kanyang emote at makikita ang sexy poses at selfies nila sa kanilang Instagram accounts.
Nakapagtataka na hindi nakasama sa naturang event ang ating Miss Philippines na si Maxine Medina. Naimbitahan kaya siya o masyado lang siyang busy?
Vin Diesel naiyak sa MTV Awards, na-miss si Paul Walker
Ang Hollywood action star na si Vin Diesel ang tumanggap ng Generation Award para sa Fast and The Furious film franchise sa katatapos lamang na MTV Movie & TV Awards.
Kasama niyang tumanggap ng award ay ang Fast and the Furious family niya na sina Michelle Rodriguez, Jordana Brewster at Tyrese Gibson.
Inialay nila ang award na iyon sa yumao nilang co-star na si Paul Walker na siyang bida ng film franchise since 2002.
Naging emotional bigla si Vin sa kanyang acceptance speech dahil muli niyang na-miss si Paul na nasawi sa isang car accident noong 2013.
Pablo ang tawag ni Vin sa kanyang kaibigan.
“In 2002, I was standing on this stage, and MTV had given Paul Walker and I an award for Best Duo.
“And now, 15 years later, I’m with my whole family, and you’re giving us the Generation Award.
“Most importantly, I got to thank our generation.
“I got to to thank, a generation that was willing to accept this multicultural franchise where it didn’t matter what color your skin was or what country you are from, when you’re family, you’re family.
“I could never stand on the stage and talk about Fast and Furious without giving love to my brother, Pablo, our brother Pablo, we hope you are proud, thank you so much,” pagtatapos pa ni Vin Diesel.