Mga emote ni Sharon kinonek sa holding hands daw nina Sen. Kiko ang Sen. Risa
Ang wifey ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano na si Ms. Angeli Pangilinan ang dumepensa sa umano’y fake news na kumalat kahapon na picture na holding hands sina Sen. Kiko Pangilinan and Sen. Risa Hontiveros at ito umano ang rason kaya ayaw nang bumalik ng bansa ni Sharon Cuneta. Kuha raw ang nasabing picture nang dumalaw ang dalawang senador sa Camp Crame kay detained Senator Leila de Lima.
Kasalukuyang nasa Amerika si Sharon para mag-concert at humanap ng bahay na mabibili. Pero kasabay noon ay ang mga emote niya na ayaw na niyang umuwi ng bansa. Sagot ni Ms. Angeli. “This is below-the-belt cheap,” patukoy sa picture ng kapatid na senador at Sen. Risa.
Kumalat kahapon sa social media ang picture ng dalawang senator na ang original umano ay hindi naman sila holding hands. Iniugnay na ito sa pamamalagi ni Sharon sa Amerika na ito raw ang rason ng pinagdaraanan ni Sharon.
Wait natin kung ano’ng susunod na pangyayari ha. Kasi ‘pag hindi nga bumalik ng bansa si Sharon, baka nga malalim ang isyu.
Charice ayaw tumira sa ina?!
Tama ngang wala pa ring komunikasyon si Charice at ang kanyang inang si Raquel Pempengco. Ito ay base sa birthday greetings ng ina kahapon sa anak na kaka-split lang sa kanyang partner na si Alyssa Quijano. Nauna nang nagpahayag ang ina na sana naman ay makasama na niya ang anak.
“Happy Birthday Charice! Malayo ka man sa akin. Wala man tayong komunikasyon, hindi pa rin mawawala na lagi kang nasa isip at puso ko kasi anak kita at galing ka sa aking sinapupunan. Sana masaya ka at makaya mo ang mga pagsubok na darating pa sa ‘yo,” ang pagbati ng ina.
Tama ang kuwento ng isang source na wala ngang communication ang mag-ina. Ani ng source, wala raw kasing kaplanu-plano ang singer na makitira sa ina dahil may mga iba naman daw itong kasama sa bahay.
- Latest