Nag-throwback ang aktor na si Zoren Legaspi noong mga panahon na sunud-sunod ang pagbida niya sa mga action films noong ‘90s dahil sa binigay na role sa kanya sa GMA-7 primetime telefantasya na Encantadia.
Physically-demanding ang role ni Zoren bilang si Bathalang Emre. Marami siyang mga fight scenes kalaban si Janice Hung na ginagampanan ang papel na Bathalumang Ether.
Nagbalik-tanaw tuloy ang 45-year old actor sa mga naging training niya noong uso pa ang mga action movies.
“Bigla kong naalala ‘yung mga naging training ko 25 years ago.
“’Yung disiplina sa katawan na natutunan from my trainors before, ina-apply ko pa rin ngayon.
“’Yun ang isang kailangan matutunan talaga ng artista, kailangan year-long inaalagaan mo ‘yung katawan mo, kasi may mga roles talaga na darating na kailangan physically ready ka.
“Tulad dito nga sa Encantadia, kailangan maliksi at mabilis pa rin ang kilos mo,” diin ni Zoren.
Inaabot nga raw ng apat na oras sa rehearsals pa lang ng fight scenes at minsan daw ay aksidenteng natatamaan siya sa mukha ng sipa.
“Old school kami na nanggaling sa mga action movies so sanay kami sa hirap.
“Actually, dito ilang beses na ako nasipa sa mukha.
“But it’s okay. Sa mga ganiting eksena, talagang may mga nangyayaring ‘di sinasadyang aksidente,” ngiti pa niya.
Nagbida noon si Zoren sa mga big action films noong ‘90s tulad ng Pretty Boy Hoodlum, Shotgun Banjo, Ipaglaban Mo Ako Boy Topak, Tikboy Tikas, Duwelo, Kung Marunong Kang Magdasal… Umpisahan Mo Na, Bandido, Alyas Big Time, Nag-aapoy Na Laman, Bayolente, Baliktaran at Laban Kung Laban.
Ikinatutuwa naman ni Zoren ang mainit na pagtanggap sa kanya ng mga televiewers ng Encantadia.
Morissette kasa-kasama ni michael bolton sa paghahanap ng singer
Tahimik na dumating ng bansa ang legendary American singer na si Michael Bolton para mag-shoot ng ilang eksena sa Manila. Ito ay para sa kanyang Asian talent search na may pamagat na Bolt Of Talent.
Produced ito ng Star World Asia at Fox TV. Ang goal ng Bolt Of Talent ay ang maka-discover ng gifted singers sa Asia. Kabilang sa premyo ay isang record deal at makakasama sa gagawing world tour ni Michael Bolton.
Nakilala si Michael Bolton dahil sa kanyang mga hit singles na When A Man Loves A Woman, How Am I Supposed To Live Without You, Go The Distance at marami pang iba.
Ang makakasama ni Michael sa kanyang show ay ang singer na si Morissette Amon.
Pinost nga ni Morissette sa kanyang Instagram ang unang araw ng shoot nila ni Michael Bolton para sa Bolt Of Talent.
Kanye West nagtatago!
Marami ang naghahanap sa mister ni Kim Kardashian-West na si Kanye West dahil hindi ito um-attend ng taunang Met Gala Ball sa New York City.
Nagulat din ang kanyang followers sa social media dahil deleted na ang Twitter at Instagram accounts nito.
Ang desisyon ng rapper-mogul to be “off the grid” ay wrong timing dahil ilu-launch pa naman daw ang children’s line niya na The Kids Supply.
Walang explanation sa nagiging behavior ni Kanye nitong mga nakaraang buwan. Nagsimula ito noong magkaroon ito ng panic attack sa kanyang isang concert na hindi niya tinapos.
Simula noon ay naging mailap na sa publiko si Kanye.
Ayon kay Kim nagte-take time off lang daw ang mister niya. Mas gusto raw nitong nasa bahay ito kasama ang dalawang anak nila.
Ayon naman sa source ng People magazine: “Kanye’s not going because he’s not ready to start attending big events. He’s doing great but wants to keep his stress levels low and just wants to take more time off. Kim and Kanye are in a great place.
“He’s happy when he’s with them. The kids are happy and well-adjusted, and that’s the priority.
“Both Kanye and Kim have done all they can to shield the kids from this all. There was no fighting in front of the kids.”