Itinanggi ni Sandara Park na siya ang dahilan sa hiwalayang Robi Domingo at Gretchen Ho.
“Siyempre, hindi totoo ‘yun,” pahayag ni Sandara sa grand presscon kahapon ng Korean movie niyang One Step which will be released by Viva International Pictures.
Ayon sa former member ng hit K-pop all girl group na 2NE1, narinig nga raw nya ang tsikang ito at hindi raw ito magandang pakinggan dahil wala naman silang relasyon ni Robi kungdi magkaibigan lang.
“We’re just good friends ni Robi and that’s it. So, parang hindi maganda na marinig ‘yung ganun’g issue kasi ‘di ba, baka masira pa ang friendship namin,” she said.
Nagsimulang ma-link sina Sandara at Robi matapos ang hiwalayan ng huli at girlfriend na si Gretchen. Usap-usapan na madalas makitang magkasama ang dalawa at may tsika pang nagde-date na.
Noon pa ay itinanggi na ni Robi ang issue saying na good friends lang sila talaga ni Dara.
Samantala, ang One Step ay first leading role ni Sandara at aniya, mahirap daw na mag-portray ng role of someone who has the rare condition, Colored Hearing.
Kinausap daw niya ang direktor nilang si Juhn Jalhong kung paano niya magagampanan ang role at aminado siyang kahit isa siyang singer (may kinalaman kasi ang musika sa story), talaga raw nag-effort siya nang husto to do justice to her character.
Ang One Step ay produced ng MCC Entertainment at ipalalabas na sa mga sinehan sa May 10.
LJ nakaramdam ng discrimination
Aminado si LJ Reyes na talagang na-hurt siya sa “na-ano lang” comment ni Sen. Tito Sotto kaya hindi niya napigilang magbigay ng pahayag sa kanyang Instagram account bilang suporta na rin sa lahat ng single moms lalo pa nga’t single mom din siya.
“Nakaka-hurt naman kasi yata kahit kanino,” sey ni LJ nang makatsikahan namin sa set ng seryeng D’Originals.
“Siyempre, ang sa akin naman, ‘yung posting ko, siyempre, hindi naman alam lahat ng tao ‘yung pinagdadaanan ng bawat isa, not necessarily the same things na pinagdadaanan kunyari ako, hindi naman same ‘yung pinagdadaanan ko sa ibang single moms.
“I just wanted to parang encourage everybody na parang kung anu’t anuman, di ba, tayo-tayo pa rin ang magtutulungan. If there is something wrong, if we have problems, siyempre, meron din akong mga kaibigan na single moms na at the end of the day, we support each other,” paliwanag ni LJ.
Wala raw siyang personal na galit kay Sen. Sotto lalo pa nga’t nag-sorry na ito.
“Actually, ‘yun namang post ko is, kasi, ‘yung iba, parang sinasabi, bakit parang ina-attack siya. It’s not attacking him. It’s for us, kasi hindi lang naman siya, alam mo, maraming-maraming tao na ganu’n mag-isip, di ba?
“Hindi nila nare-realize, eh. Kasi siyempre, as single mom, meron, eh, meron talagang discrimination, di ba? And hindi mo naman pwedeng ikwento sa lahat ang lahat ng nangyayari sa buhay mo. That’s why, I just wanted to express my support to all the single mothers,” pahayag pa ni LJ.