^

Pang Movies

Hunk actor na tumumal ang career, balik sa sugar mommy!

SO CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Balitang binabalikan daw ulit ng hunk actor na produkto ng isang reality show ang kanyang dating sugar mommy, lalo na’t wala na itong kinikitang malaki ngayon.

Dating on-call ang hunk actor na ito sa kanyang matrona lover dahil ito ang nag-provide sa kanya noon ng mamahaling SUV at isang condo apartment noong struggling pa lang ito sa showbiz.

Kapag wala raw itong taping ng isang linggo, nakababad ito sa penthouse suite ng matrona at pag-alis niya ay may dala na itong tseke para sa isang buwan na gastusin niya.

Pero noong magkaroon ito ng ibang pagkakakitaan, dinededma na niya ang mga tawag ni matrona lover.

Umalis ang hunk actor sa condo apartment at binalik niya ang SUV dahil kaya na niyang bumili ng mga iyon dahil sa naging negosyo niya.

Nag-iba rin ang lifestyle ni hunk actor at tumanggi na ito sa pagpupuyat sa tapings ng teleserye.

Pero dahil mapagbiro talaga ang tadhana, bumaliktad lahat at balik sa pagiging struggling ulit ang hunk actor at kailangan na niya ulit ang kanyang sugar mommy.

Mukhang tatanggapin siya ulit ni matrona lover dahil nami-miss na rin nito ang paglambing sa kanya ni hunk actor.

Naging fan kasi si matrona ni hunk actor noong sumali ito sa isang reality show. Gumawa ito ng paraan para makilala niya ng personal ang hunk actor noong matanggal ito sa show.

Kaya kahit na matagal na hindi nakipag-communicate si hunk actor sa kanya dahil nagpakasasa ito sa kanyang negosyo, alam niyang babalikan pa rin siya nito dahil alam niyang hindi magtatagal ang negosyo nito dahil sa extravagant lifestyle ng hunk actor.

Pinay theater actress nominado sa Tony Awards

Pang-limang Pinoy ang Fil-American theater actress na si Eva Noblezada na makatanggap ng nomination mula sa prestigious Tony Awards.
Nominated si Eva for Best Actress in a Musical Play para sa pagganap niya bilang si Kim sa revival ng Miss Saigon on Broadway in New York City.

Ang makakalaban lang naman ng 21-year-old actress sa naturang category ay ang mga stage veterans na sina Denée Benton (Natasha, Pierre & The Great Comet of 1812), Christine Ebersole (War Paint), Patti LuPone (War Paint) and Bette Midler (Hello, Dolly!).

Kabilang ang kauna-unahan na Pinoy Tony winner na si Lea Salonga, who played the original Kim in the 1989 West End and 1991 Broadway productions, na nag-abot ng kanyang congratulation kay Noblezada. “Congratulations, Tony Awardees! Special nods to @EvaNoblezada, @Howellbink, @MissSaigonUS, and @StephanieJBlock!” tweet pa ni Lea.

Bukod kay Lea na nanalo ng Tony best actress in a musical in 1991 for Miss Saigon, ang tatlo pang Pinoy na nanalo na ng Tony Awards ay sina Robert Lopez (Best Musical, Best Book and Best Original Score for Avenue Q in 2004 and Book of Mormons in 2011); Jhett Tolentino (Best Musical, Best Revival of a Play and Best Play for A Gentleman’s Guide To Love and Murder and A Raisin In The Sun in 2014; Vanya and Marsha and Sonia and Spike in 2013) at Clint Ramos (Best Costume Design for Eclipsed in 2016).

Ben Affleck lumayas na sa bahay nila ni Jennifer Garner

Pagkatapos ng ilang linggo noong mag-file ng divorce sina Ben Affleck at Jennifer Garner, may mga moving truck na nakita sa kanilang bahay sa Los Angeles.

Aalis na si Ben sa marital house nila ni Jen at lilipat na ito sa isang bahay na malapit lang para hindi siya mami-miss ng kanilang mga anak.

Ben found a house close by. They are both excited for the next step and they are happy that they have two loving homes for the kids,” ayon sa isang source.

Two years ago pa naghiwalay ang Hollywood couple at napagkasunduan nila na magiging co-parent sila sa tatlo nilang anak.

Hindi umalis si Ben sa bahay nila, pero sa isang adjacent house siya tumutuloy. Pero after ng divorce filing, mas makakabuti raw na maghiwalay na sila ng tirahan ni Jen.

Hollywood actor na si Val Kilmer

 umamin na sa sakit na cancer

Pagkatapos ng ilang buwan na pagde-deny na nagkaroon siya ng cancer, inamin na ito ng sa wakas ng Hollywood actor na si Val Kilmer.

 Sa isang interview ng aktor, tinanong siya ulit tungkol sa pagkakaroon nito ng cancer dahil ang kaibigan niyang si Michael Douglas ang unang nagsiwalat nito sa media.

Heto ang sinagot ni Kilmer:

“He was probably trying to help me cause press probably asked where I was these days, and I did have a healing of cancer, but my tongue is still swollen altho healing all the time.

“Because I don’t sound my normal self yet people think I may still be under the weather.”

Pareho kasi ang naging symptoms ni Kilmer noong magkaroon ng oral cancer si Douglas noong 2011. Noong October 2016 ay na-diagnose si Kilmer with tongue cancer. 

“I still have a swollen tongue and am rehabbing steadily.

“Whatever led Michael Douglas to speculate about my health, he’s a loving and devoted friend to a privileged group of talent people around the world, and I’m sure he meant no harm.”

EVA NOBLEZADA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with