Bb. Miss U dating talunan sa Miss World
With the recent victory bilang Bb. Pilipinas International 2017 ni Mariel de Leon na anak ng mag-asawang sina Christopher de Leon at Sandy Andolong, dapat lang na maniwala tayo sa kasabihang if you fail, at first, try again, and chances are you may succeed, the second time around.
As is common knowledge, nag-try na sa Bb. Pilipinas si Mariel in 2013. Bagama’t nakasama siya sa 15 semi-finalists, bigo naman siyang mapabilang sa top five.
History na tatlong beses na sumali rin sa nabanggit na beauty contest si Pia Wurtzbach pero sa kanyang third try siya nanalo bilang Miss Universe noong 2015.
Hindi rin pala first attempt sa isang beauty contest ang pagsali ng bagong Bb. Pilipinas - Universe na si Rachel Peters, as she had also joined the Miss World tilt.
Who knows that in the Miss Universe contest, she would also make it like Pia.
Xian hindi nagpalit ng suot
Speaking of Pia, thrice siyang nagpalit ng gown at hairdo, bilang host ng katatapos na Bb. Pilipinas-Universe contest.
Samantalang hindi naman nag-abala si Xian Lim na palitan ang kanyang black formal attire.
Magandang magdala ng damit si Xian, sa totoo lang.
Resto ng magulang ni Jolina may kwento ang pangalan
Kaya pala, Salve A., Memory Lane ang name ng restaurant cum gift shop na pag-aari ng parents ni Jolina Magdangal na sina Jun at Paulete (Magdangal) sa Tagaytay City ay dahil pinangalan ito sa isa sa biggest selling album ni Jolina na released noong teenage star pa lamang siya.
Besides, paliwanag ni Jun, a marketing man in his younger years, marami raw collections but not necessarily for sale sa kanilang establishment. Nalikom daw nila ang mga ito during their travels kung saan chaperon sila ni Jolina sa kanyang performances sa ibang bansa.
Ang bunsong anak nilang si Jonathan ang nagsisilbing chef ng restaurant.
Though now married to bandleader Marc Escueta, with whom she has a two year-old son, Pele, Jolina is still active sa showbiz.
Isa siya sa mga host ng Magandang Buhay araw-araw kasama sina Karla Estrada at Melai Cantiveros.
Occasionally, she participates bilang member of the jurors ng It’s Showtime’s Tawag Ng Tanghalan Kids.
Jodi at Boyet hindi nakatakas sa droga
Hindi parehong inililihim nina Jodi Sta. Maria at Christopher de Leon na natuto silang mag-drugs in their younger years.
Si Jodi, nang maghiwalay daw sila ng asawang si Pampi Lacson, ama ng kanyang now nine year-old son na si Thirdy. In Boyet’s (Christopher), di niya ini-specify why nalulong siya for a time sa bawal na gamot.
Ngayon ay na-overcome na ng aktres ang addiction sa drugs na hindi na o ayaw na niyang iditalye.
In the case of Boyet, it was after daw nag-attend siya ng isang session ng The Spirit of Life Seminar, a Christian Renewal, na naramdaman niyang maraming pagbabagong naganap sa kanyang sarili.
Boyet, as is common knowledge, is one of the founder and the ‘spirit’ behind the now popular Catholic Charismatic Community, known sa showbiz as the Oasis of Love.
JM hindi na makabalik
Tanong lang, Salve A., what’s with promising actor JM de Guzman nowadays kaya?
We all knew na dalawang beses siyang napasok sa rehab dahil sa drug addiction. Last December, however, he himself announced na magbabalik-showbiz siya.
Isa sa most memorable movies ni JM ang That Thing Called Tadhana, which co-starred him with Angelica Panganiban and directed by Antoinette Jadaone.
Pinagbidahan din niya ang seryeng Angelito ang Batang Ama.
- Latest