^

Pang Movies

Kris selyado na ang bibig sa Hollywood Project

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Kris selyado na ang bibig sa Hollywood Project
Kris

Walang napiga ang mga reporter na dumalo kahapon sa presscon ng bagong endorsement ni Kris Aquino sa pangungulit ng update sa gagawin nitong Hollywood film.

‘Di nila talaga napilit. Pakiusap ni Kris, hindi raw siya puwedeng sumuway sa pinag-usapan dahil baka makawala pa.

Very proud si Kris na ibinalita weeks ago na meron nga siyang Hollywood project na kapalit ng mga nawala niyang TV career sa bansa.

Meron na rin siyang Hollywood agent na magha-handle ng career niya base para rin sa mga post niya.

Charice gusto raw ‘bumangon’

Bibiyahe raw si Charice sa Japan at doon namamahinga ayon sa isang nagkuwento.

Pero walang details ang nagbalita, basta may mga ginagawa na raw si Charice para makabangon ang career niya na nanamlay pero wala raw itong planong magsalita tungkol sa hiwalayan nila ng dating partner na si Alyssa Quijano.

Pumutok ang balita last week sa hiwalayan nila ng girlfriend.

Angel at ex ni Bela matagal na raw ang ‘relasyon’

Matagal na raw palang nagha-hangout sina Angel Locsin at ex ni Bela Padilla na si Neil Arci.

As in early this year pa raw at hindi lang recently. Pero hindi lang daw nagsasalita ang mga kaibigan ng dalawa.

Anyway, wala naman sa hitsura ni Bela sa pelikulang Luck at First Sight na may pinagdaraanan siya habang ginagawa niya ang pelikula.

Ang ganda-ganda niya at ang galing. Or baka naman talagang natulungan siya ni Zanjoe Marudo para hindi na indahin ang hiwalayan nila ni Mr. Arci na isa sa mga producer ng Luck at First Sight na palabas na sa mga sinehan starting today.

KRIS AQUINO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with