Louise alaga na ng Viva

Louise delos Reyes

Sure na ang pagiging Viva contract star ni Louise delos Reyes dahil pipirma na siya ng kontrata sa kanyang bagong studio.

Bago naging artista ng GMA-7 si Louise, napanood siya sa mga programa ng TV5 pero nagsimula ang acting career niya sa Ang TV ng ABS-CBN.

Naikot na pala ni Louise ang lahat ng mga television network bago siya nag-ober da bakod sa Viva Artists Agency.

Sa paglipat niya sa Viva,  oping si Louise na magkakaroon ng malaking pagbabago sa kanyang career tulad ng mga nangyayari ngayon sa showbiz career ni Julian Trono na dating contract star din ng Kapuso Network.

AiAi pinagkaguluhan sa palengke

Dalawang palengke lang ang napuntahan kahapon ni AiAi delas Alas sa kanyang Palengke Tour dahil guest referee siya sa Jackpot en Poy ng Eat Bulaga.

Binulabog ni AiAi ang mga palengke ng Balintawak at Tandang Sora dahil ni-remind niya sa mga market vendor at mga mamimili na showing na sa mga sinehan sa May 10 ang kanyang pelikula, ang Our Mighty Yaya, ang Mother’s Day presentation ng Regal Entertainment, Inc.

Pinagkaguluhan si AiAi sa mga palengke na binisita niya. Gulat na gulat ang mga tao dahil hindi nila inaasahan na makakadaupang-palad ng personal ang Comedy Queen na namigay ng mga poster ng Our Mighty Yaya.

Dalawang aktor NR sa kanilang relasyon

NR o no reaction as in dedma ang dalawang aktor na natsitsismis na may secret love affair.

Tama ang pananahimik na ginagawa ng mga sangkot sa tsismis dahil kung papatulan nila ang isyu, magiging malaki ito at lalong pag-uusapan.

Matagal nang usap-usapan na baklita ang mga aktor na never na na-link sa mga babae, kahit may mga hitsura sila.

Sa harap ng mga movie at TV camera, mga macho ang image projection ng dalawa pero nagbabago ang pagkatao nila kapag wala nang mga mata na nakatutok sa kanila. Kumukulot ang mga boses ng mga aktor at lumalambot ang kanilang mga kilos.

Raymond hindi na binalikan ang pag-inom ng alak

May nakakita kahapon kay Raymond Gutier­rez sa Los Angeles International Airport dahil pabalik na siya sa Pilipinas.

Nagbakasyon si Raymond sa California dahil dumalo siya sa isang sikat at dinarayo na music festival.

Habang wala si Raymond, saka lu­mabas ang mga publicity tungkol sa 65 pounds na nabawas sa timbang niya kaya naging inspirasyon siya ng mga tao na nawalan na ng hope na pumayat.

Hindi madali ang mga pinagda­a­nan ni Raymond dahil dusa ang exercises na ipinagawa sa kanya ng trainer niya na si Arnold Aninion.

Kahit nagbabakasyon siya sa California, hindi nagpahinga si Raymond sa work out dahil pumupunta siya sa isang gym doon.

Kontrolado na rin ang pagkain ni Raymond dahil pinipili na niya ang mga pagkain at tumigil na rin siya sa pag-inom ng alcoholic drinks.

Matinding disiplina at kontrol sa pagkain ang dapat gawin ng mga nangangarap na ma-achieve ang katawan ni Raymond na batak sa exercise.

Show comments