Panalo na naman si Maymay Entrata dahil ginalingan nito ang sagot sa pagdiriwang ng World Book Day ng Kapamilya Network kamakailan.
In all fairness naman sa ibang celebrities tulad nina Coleen Garcia, Frankie Pangilinan, at iba pang stars ay magaganda rin ang recommended nilang libro.
Pero mas bongga ang inirekomendang libro ni Maymay na Jesus is Calling You na isinulat ni Sarah Young. Isa itong inspirational book na regalo ng kanyang church mate nang lumabas siya sa Pinoy Big Brother (PBB) house at paulit-ulit na binasa ni Maymay.
Pero ang nagpaagaw ng pansin sa fans ay ang pagiging humble ni Maymay na kahit mahirap ang pagsisimula sa showbiz ay hindi niya nalilimutan na manghingi ng guidance sa Panginoon.
Para sa fans ay magandang example si Maymay sa mga kabataan ngayon na kahit loka-lokan ang drama ay nanatiling mapagkumbaba, mabait, at may time na magpasalamat sa lahat ng kanyang blessings
Simple, pero bongga ang beauty ni Maymay dahil nakakawala raw ng homesick at pagod ‘pag napapanood siya ng mga kababayan natin sa ibang bansa thru TFC.