Inamin ng Kapuso actress na si Winwyn Marquez na binalak niyang sumali sa Bb. Pilipinas pageant ngayong taon.
Pero mas pinili ni Wyn ang show na binigay sa kanya ng GMA-7 na Mulawin Vs. Ravena.
“To be honest, I really wanted to join Binibining Pilipinas, but I have to fulfill my contract with GMA.
“Kailangan ko munang tapusin ‘yung obligation ko before I do something else.
“Thankful naman ako kasi maganda ‘yung binigay sa akin ng GMA,” ngiti ni Wyn.
Gaganap si Wyn bilang isa sa mga Ravena na si Ribay, ang kanang kamay ni Rashana na ginagampanan ni Chynna Ortaleza.
Kung matatandaan ay sumali si Wyn sa Bb. Pilipinas noong 2015 kung saan ka-batch niya si Miss Universe 2015 Pia Alonzo Wurtzbach. Ginamit ni Wyn ang tunay niyang pangalan na Teresita Marquez.
Umabot sa Top 15 si Wyn at nanalo siya ng tatlong special awards: Best in Talent, Best in National Costume and She’s So Jag.
Nasa edad na 24 na si Wyn kaya may isang taon pa siyang puwedeng sumali ng Bb. Pilipinas.
Noong manalo si Pia sa Bb. Pilipinas at Miss Universe ay nasa edad 25 na ito.
Sinon, 10-inch heels ang inirampa sa Rodeo
Mahilig sa challenges ang gay comedian na si Sinon “Rogelia” Loresca. Mula sa paglakad in 6-inch heels, ngayon ay ginawa na niyang 10 inches!
Kelan lang ay naimbitahan si Rogelia sa kanyang hometown na Masbate para dumalo ng taunang Rodeo Festival.
Sa naturang fiesta ay sinuot ni Rogelia for the first time ang isang 10-inch glass heels habang rumarampa siya sa kapistahan ng probinsya niya.
Pinost pa ito ni Rogelia sa kanyang Instagram:
“My first ever CATWALK wearing the 10-inch high heels. What can you say guys? and welcome to my own town THE RODEO CAPITAL OF THE PHILIPPINES - MASBATE CITY.”
Dahil marami ang humahanga sa pangangatawan ni Rogelia, naintriga tuloy siya na gumagamit ng steroids para mapanatili ang kanyang maskuladong katawan.
Super-deny naman si Rogelia sa akusasyon na ito.
“Ay, mamatay man po, hindi.
“Ako, gusto ko ha, pero isa lang kasi ang kidney ko. Toxic sa katawan iyon.
“Protein shake ang ginagamit ko kasi pagkain ‘yan ng muscle.”
Mapapanood si Rogelia sa aabangan na afternoon teleserye ng GMA na Impostora.
Oscar winner na si Viola Davis nakatikim ng papuri kay Meryl Streep
Kabilang ang Oscar winner na si Viola Davis sa Time’s 100 Most Influential People 2017.
Dahil sa kanyang pagiging isang matapang na babae at pagiging isang multi-talented na celebrity kaya siya binigyan ng ganitong parangal.
Hindi nga napigilan ni Meryl Streep na i-honor ang kanyang kaibigan sa pamamagitan ng isang congratulatory tribute.
“Viola has carved a place for herself on the Mount Rushmore of the 21st century—new faces emerging from a neglected mountain.
“She is marked for greatness and her gifts as an artist are unassailable, undeniable, deep and rich and true,” sey pa ni Meryl.
Bilang ganti, pinuri rin ni Viola si Meryl dahil sa kanyang “maternal instincts, ability to command a character without losing herself, and her recent intensely elegant yet political calls to action.”