Ganern, AiAi takot mapagkamalang si Megan!

Mangiyak-ngiyak si Comedy Queen AiAi delas Alas sa mga papuring sinabi sa kanya ni Mother Lily Monteverde sa pagkikita nila sa presscon ng bagong family-comedy movie na Our Mighty Yaya. 

Ayon kay Mother Lily, si AiAi has a generous soul na laging selfless in sharing her love, time, ta­lent and effort, pero ang maganda kay AiAi, discreet siya sa pagtulong sa mga lumalapit sa kanya.

Pero nagpasalamat din si AiAi kay Mother Lily dahil matagal daw niyang hinintay ang ganitong pelikula na tungkol sa pagbibigay-tribute sa mga yaya, at sabik na rin siyang muling makagawa ng comedy film, pagkatapos na mga seryosong indie films tulad ng Area na nakatanggap naman ng international recognition.

“Two years ago na yung last comedy movie ko, ang My Bebe Love.

 “Ang taas ng pagtingin ko sa mga Yaya dahil lumaki ako sa isang yaya, na kinuha ng adoptive mother ko dahil noong bata pa ako, madalas siyang nasa probinsiya dahil sa kanyang work.  Si Yaya ilang taon na siya sa amin, dahil siya na rin ang naging yaya ng mga anak kong sina Sancho at Sofia, at ngayon si Mama naman ang inaalagaan niya dahil may sakit na si Mama.  Kaya hindi yaya ang tawag ko sa mga tulad nila kundi mga Angels, dahil sila ang tumutulong sa atin sa pag-aalaga sa mga anak natin.”

Si Megan Young ang magiging ‘kalaban’ ni AiAi sa pagmamahal ng mga anak ni Zoren Legas­pi na sina Sofia Andres, Lucas Magallano at Aly­son McBride kaya natanong si AiAi bakit ginamitan pa siya ng prosthetics, sa kanyang upper teeth? 

Biro niya, para raw hindi mahirapang i-distinguish ang beauty niya sa beauty ni Megan.

“Pero medyo nahirapan din ako nung una, kaya ang ginawa ko, ginamit ko kahit nasa bahay ako, ginamit ko sa pagkain, para masanay ako.”

Sa May 8 ang premiere night ng Our Mighty Yaya na showing na sa May 10, as a Mo­ther’s Day presentation ng Regal Films, sa direksyon ni Joey Javier Reyes.       

Alden at Maine nag-iiba na ang ginagawa

Masaya na ang mga netizen na sumusubaybay gabi-gabi sa Destined To Be Yours nina Alden Richards at Maine Mendoza dahil matapos magkamabutihan, nag-away, nagkabati at ngayon muli na silang magkasundo. 

Apektado ang fans kapag hindi nila napapanood na magkasama sa eksena ang dalawa, pero mas marami naman ang natutuwa sa mga eksena ng dalawa, na ang iba nga, sinasabing hindi raw sina Sinag at Benjie ang napapanood nila kundi sina Alden at Maine dahil parang totoo ang bawat eksena nilang ginagawa. 

     

Show comments