^

Pang Movies

Awra sinuwerte kay Coco!

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Suwerte naman ni Awra (real name McNeal Briguela) dahil siya ang tinanghal na champ ng katatapos na season ng Your Face Sounds Familiar (YFAF) Kids.

Nanalo siya ng house and lot, trip for four in Korea and, of course, a cash price of P1-M.

Ayon kay Awra, nagsimula ang suwerte niya sa buhay mula nang masali siya sa cast ng top series ng Kapamilya, ang FPJ’s Ang Probinsiyano.

Natuklasan ang pagiging effective comedian-actor niya at his age. Bukod pa sa mahusay din siyang umawit at sumayaw.

Wala pang nababanggit si Awra kung ano ang gagawin niya sa premyong kanyang napanalunan. All he promised is that he will remain humble. At lalo niyang pagbubutihin ang kanyang pagiging artista.

Bukod kay Coco Martin na siyang bida sa Ang Probinsiyano, and everyone involved with the series, labis daw ang pasasalamat niya kay Vice Ganda,  na kung ituring daw siya ay parang ‘anak’.

Ang laging payo sa kanya ni Vice ay ang huwag makalimot sa lahat ng taong kinauutangan niya ng loob. And to keep on reading. Kahit anong reading material daw ay pwede na.

Well, congrats, Awra.

Lani dadalhin ang mga apo sa Osaka

Ang ganda naman, Salve A., ng gesture na ginawa ni former Senator Bong Revilla, nang mag-organize siya ng maliit na salu-salo para sa kabiyak na si Bacoor City Mayor Lani Mercado. May maliit na espasyo reserved sa mga bisitang nakaalalang dalawin sila ng kanyang matalik na kaibigan and fellow former Senator Jinggoy Estrada sa Custodial Center ng PNP, where both of them are currently detained.

Mayor Lani will turn 49 sa April 13.

Ilan kami nina Chit Ramos, Len Llanes at Gorgy (Rula) na maimbitahan for the occasion. Ang ibang bisita ay halos mga kamag-anak nina Senator Bong at Mayor Lani, mga malalapit na kaibigan at fellow politicians. Maliban kay Cavite Vice Governor Jolo Revilla, second son of the couple (their eldest is Bryan) at Inah na nakatira sa Davao with her husband and two kids, the rest ang kanilang mga anak ay well-accounted for.

Ganun din ang mga kapatid ni Sen. Bong na sina Rowena (Mendiola), incumbent Konsehal ng Bacoor, Marlon (with wife, Gigi dela Riva), Princess, with her two sons, and Andrea, with her Antipolo Mayor husband, Jun Ynares and their daughters.

Dumating si Philip Salvador, Edwin  O’Hara at King Gutierrez na isang Bacoor Councilor.

Of course, nandoon si Senator Jinggoy, na dinalaw ng asawang si Precy, a good friend of Mayor Lani.

By the time this issue comes out, malamang ay nasa Osaka, Japan na si Mayor Lani kasama ang tatlong nakababatang anak nila ni Sen. Bong Mayor plus their apo (by Cavite Vice Governor Jolo). Ditto with Andrea at Mayor Jun, na Singapore bound naman with their daughters.

Restored movie nina Aga at Boyet, ‘di puwede sa kambal nila ni Charlene

Gusto sanang dalhin nina Aga Muhlach and wife, Charlene Gonzales ang kanilang kambal na sina Atasha and Andres, para panoorin ang restored version ng kanyang 21-year-old movie kasama si Christopher de Leon, ang Sa Aking Mga Kamay, last Tuesday, April 4.

Kaya lang ay sinabihan sila ni Leo Katigbak, head of ABS-CBN Film Restoration Department, na ang pelikulang idinirek ni Rory Quintos ay rated R-16 by the MTRCB (The Movie and Television Review and Classification Board). E, 14 years old pa lamang daw ang dalawang bata.

Bulong sa amin ni Charlene na first time lamang napanood ang pelikula:

“Ang ganda, at that time pala, look-alike to the max ni Aga si Andres.”

Still a bit overweight, Aga admits dying siya to do another movie soon, yes, with Star Cinema.

Dumalo nga pala sa nabanggit na screening sina Malou Santos at Direk Olive Lamasan, managing directors at creative head ng Star Cinema, respectively.

 

AWRA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with