Habang nasa Jeju City, South Korea just this week ay tinanong namin ang aming tour guide kung sino ang pinakasikat na Korean actors and actresses bilang Kdrama addicts kami ni Nay Lolit Solis, our PM editor Salve Asis and her friend, Lynette at kasamahan sa panulat na si Rose Garcia-Fabregas na magkakasamang nagpunta sa nasabing bansa
Ang sagot ng aming tour guide, sa aktres ay si Song Hye Kyo raw ang pinakasikat at sa aktor naman ay si Park Bo Gum at Song Joong Ki.
Si Song Hye Kyo at Song Joong Ki ang mga bida sa hit Kdrama na Descendants of the Sun ipinalabas sa GMA some months ago habang si Park Bo Gum ay bida sa Love in The Moonlight na talaga namang nag-hit din sa Korea at kasalukuyang ipinalalabas sa ABS-CBN.
Tanong namin sa tour guide, “how about Lee Min Ho?” at sumenyas ang kamay niya na parang umaalis and said, “gone”.
Sa lengguwahe natin, marahil ang ibig sabihin ng aming kausap ay “has been” na o laos na.
Oh well, kahit sa K-stars, pana-panahon din tulad sa atin at ang sikat ngayon, bukas ay hindi na because of the stiff competition.
Kris nag-emote sa grades ni Bimby!
Proud na ipinost ni Kris Aquino ang mga grades ng anak na si Bimby na aniya ay currently in home school. Sa picture na may nakasulat na “Congratulations Bimb!”, makikita ang mga grades ng bunsong anak sa iba’t ibang subjects (Art, English,
Handwriting, History, Math, Phonics, P.E., Reading, Religion, Science/Health, Spellng and Vocabulary) na puro A, A- at A+. Caption ni Kris: “Before I sleep, may I have a #proudmom moment? We got the email of Bimb’s grades today- he is currently home schooled (Grade 4) by 2 excellent teachers, Teacher Au & Teacher Seanne.
“We’re using a US based Catholic curriculum, his tests & schoolwork are all submitted online; he is excited to study & focused on excelling. In his team we also have a music teacher plus coach Christian for his physical fitness.
“To all parents seeing this post- I’m sure you can identify with me, nothing comes close to the elation we feel when our kids are studying hard & getting good grades.
“More than our achievements, these are the moments we treasure! I thank God for really blessing my life because of my 2 sons. GOOD NIGHT.”
Well, totoo naman, nakaka-proud mom naman talaga kapag nakita mong mataas ang grades ng anak mo kaya naman dapat din siyang i-congratulate dahil kung pabayang ina rin siya, hindi rin naman makakapag-concentrate sa pag-aaral ang kanyang anak.
Samantala, ngayon (Sunday, April 9) na mapapanood ang pagbabalik ni Kris sa telebisyon sa pamamagitan ng kanyang travel special, ang #TripNiKris na eere at 10:30pm sa GMA-7.
Coco walang bakasyon!
Akala pa naman namin ay may oras na para magbakasyon si Coco Martin ngayong Holy Week pero may trabaho pa rin pala ang bida ng FPJ’s Ang Probinsyano sa panahong ito dahil may show pala ang Kapamilya Primetime King sa Toronto at US, ang Coco X Funtastic 4 kasama sina Pokwang, Chokoleit, Pooh, and K Brosas.
Nagsimula na ang first show nila last April 7 sa Toronto at magtatapos sa Los Angeles, California on April 15 (US time) na Holy Week nga sa atin.
May show din sila sa April 9 sa New York at April 14 sa Sta. Ynez, California.
Grabeng sipag naman yata ang ginagawa ni Coco to the point na ayaw na talagang magpahinga man lang.
Pero hindi naman namin siya masisi dahil ang lagi nga niyang sinasabi, ang tagal niyang hinintay ang pagkakataong ito at alam niyang hindi naman lahat ng pagkakataon ay laging nandiyan ang oportunidad kaya sinasamantala niya habang meron.