Walang reklamo si Gabby Concepcion kahit five times a week na siyang nagti-taping, apat na araw sa afternoon prime drama nilang Ika-6 Na Utos at isang araw sa sitcom nilang Tsuperhero. At seven days a week siyang napapanood sa television. Monday to Saturday (simula ngayong Saturday, April 1) sa Ika-6 Na Utos at tuwing Sunday evening, ang Tsuperhero. Hindi ba nasira ang schedule niya, like ‘yung pag-uwi nila ng family niya sa bahay nila sa San Francisco, California?
“Medyo affected, pero basta trabahong sinagutan ko, hindi ko ‘yan iiwanan,” sabi ni Gabby. “Siguro ngayong Holy Week, gusto ko rin sanang makasama ang iba ko pang babies, tingin ko kasi sa kanila, mga baby ko pa rin sila (KC at Garie), iniimbita ko naman sila, pero alam mo naman mga iyan kapag 14 or 15 na sila, kanya-kanya na silang lakad. Kaya kami ng two daughters ko and my wife, sa beach sa Holy Week.”
Love ni Gabby ang boyfriend ng panganay niyang si KC na si Aly Borromeo.
“Sa mga naging boyfriends kasi ni KC, siya lamang ang nakilala ko, iyong iba hindi naman nagpakilala. Kaya looking forward ako kapag iniimbita ako nina KC at Aly for dinner. Close sa akin si Aly. Iyon nga lamang ayaw pa ni KC na magpakasal, sabi ko gusto ko na sanang magka-apo.”
Iba rin pala ang loyalty ni Gabby, sabi nga niya hindi niya tatalikuran ang mga projects na ibinigay sa kanya ng GMA-7.
“Two years ang pinirmahan kong kontrata sa kanila at gusto kong tapusin iyon bago ako tumanggap ng ibang projects. May mga offer na movies, pero minsan lamang akong gumawa ng isang indie film at ayaw ko na munang tumanggap ngayon. Siguro kapag tapos na ang contract ko sa GMA. Sa kanila muna ako magku-concentrate.”
Ano ang naging reaction nila ng mga kasama sa cast ng kanilang top-rating afternoon prime? Nagulat daw sila dahil never heard na ang isang soap ay panonoorin ng six days.
“Nagpapasalamat kami sa lahat ng sumusubaybay sa amin, mula Monday until Saturday na simula na ngayong April 1, after ng Eat Bulaga.”
Broadway Boys maraming request
Aba, may popular request na ang televiewers ng Eat Bulaga sa Broadway Boys, ang homegrown talents nila na nag-champion sa Lola’s Playlist. Ang apat na Broadway Boys ay nagkaroon ng mini-concert last Saturday sa Filipino balladeer na si Basil Valdez. Ngayong tanghali, isang mini-concert muli ang magaganap sa concert stage ng EB na makakasama nila si Ms. Kuh Ledesma at ang aawitin nilang lima ay mga compositions ng mahusay na compositor na si George Canseco.
Piolo may natupad na wish
Natupad ang wish ni Piolo Pascual na mai-promote ang kanyang latest movie, ang Northern Lights: A Journey To Love sa ibang channel. Hindi man siya personal na nag-promote, ipinalalabas naman sa Eat Bulaga ang trailer ng movie na pinagbibidahan nila nina Yen Santos at Raikko Mateo, sa direksyon ni Dondon Santos.
Producers ng movie ang Regal Entertainment, Inc., Star Cinema, at Spring Films ni Papa P. Showing na ito in cinemas nationwide.