Ayaw talaga ni Sarah Geronimo ang Darna project. Matatatandaang noon pa ito tinatanong sa kanya at lagi na’y hindi talaga nagpapakita ng interes si Pop Star at lagi nga niyang idinadaan sa biro.
Sa paglitaw muli ng pangalan niya ngayong final na ngang hindi na si Angel Locsin ang gaganap na Darna, muling kinulit ng press si Sarah pero negative pa rin ang sagot niya.
“Kasi matagal ko na po ‘yang sinasabi na hindi talaga ‘yun para sa akin kasi iconic ‘yun, well, more than that, ang daming responsibilities na kaakibat ‘yung pagiging Darna, ‘di ba po?
“So, medyo naka-focus lang po nang konti na inaabangan ‘yung naka-two-piece, and ‘yung physique, parang hindi talaga para sa akin ‘yun.
“Pero nagpapasalamat naman ako at flattered naman ako na may mga (taong) ikino-consider ako. ‘Di ba, ang galing naman? Salamat,” pahayag ni Sarah.
Liza ‘di pa napipisil lumipad
Itinanggi ni Ogie Diaz, manager ni Liza Soberano na ang young actress na ang napipisil na Darna ng Star Cinema at ABS-CBN. Basta ang alam niya ay wala raw sinasabi ang management sa kanya.
“At saka if ever, hindi naman ako ang dapat mag-announce niyan. Ang management ang mag-a-announce niyan,” sey ni Ogie nang makatsikahan namin last Friday night.
Pero sobrang thankful ni Ogie sa fans at netizens na nagsasabing si Liza ang bagay na gumanap ng nasabing iconic super heroine.
Kung sakali bang si Liza ang makuha ay willing ba naman itong mag-two piece na siyang costume ni Darna?
“Naku, iba na ang technology ngayon, makabago na. Hindi pa natin alam kung ano ang mangyayari pa talaga riyan kaya ang hirap magsalita,” playing safe niyang sagot.
Basta ang sure raw siyang projects ni Liza sa ngayon ay ang mga nakaplano na. Sinisimulan na nitong gawin ang isang teleserye na bagama’t pilot week lang ang young actress kasama ang ka-loveteam na si Enrique Gil ay markado naman daw.
May naka-line-up din daw na serye ulit ang LizQuen this year pagkatapos ng matagumpay na Dolce Amore last year.
Max kakaiba ang na-experience kay Direk Mike
Sobrang happy and proud ni Max Collins na nakasama siya sa pelikulang Citizen Jake ni Mike de Leon. Ito ang comeback film ng magaling na direktor after 17 years at sobrang honored ng Kapuso actress na makatrabaho niya ang legendary director.
Si Max ang leading lady ni Atom Araullo sa pelikula at hindi siya nahihiyang aminin that she auditioned for the role kaya naman ang saya raw niya nang sabihing napili siya.
Nagsimula na silang mag-shooting sa Baguio kung saan kukunan ang entire film kaya balik-balik daw sila ngayon sa naturang lugar.
Ano ang pakiramdam na ang comeback film ni direk Mike after 17 years ay kasama siya?
“I can’t believe it kasi bigatin ‘yung mga artista. Lahat, veteran actors, well-known people in the industry. Kasi si Atom, well-knows as a journalist, di ba? So, parang feeling ko, ako ‘yung stray dog in the path kasi ako ‘yung. . .hindi naman baguhan, pero in a sense na I’m not up to their level, so, I’m just humbled by the experience and I’m so happy that they got me,” pahayag ni Max.
Kumusta namang katrabaho si legendary direk Mike? Hindi ba siya nailang?
“Actually, noong una, takot na takot ako, as in sobrang takot ako kasi hindi ko alam kung tama ang ginagawa ko or baka mapagalitan ako or kung ano ang gusto niyang mangyari.
“Pero ang gaan niya katrabaho kasi very sensitive siya sa feelings ng artista. Even the set, siya ‘yung nag-ayos, siya ‘yung nag-interior ng buong set, and then, bawal ding pumasok ‘yung mga kasama sa set, so very tight ‘yung set, so mapi-feel mo talaga na nasa situation ka, na nasa scene ka. So, masaya, kasi never ko na-experience ‘yun,” kwento ni Max.