^

Pang Movies

Artist na nag-viral sa social media tampok sa Magpakailanman

Pang-masa

MANILA, Philippines -  Ngayong Sabado (Marso 18), handog ng Magpakailanman ang nakaaantig na kuwento ng buhay ni Erwin Dayrit, isang lalaking may karamdamang nagpaparupok ng kanyang mga buto at hindi na magagamot pa. 

Dalawang buwan matapos ipagdiwang ang unang kaarawan ni Erwin, misteryosong nabali ang buto sa isa niyang binti. Labis itong ikinataka ng kanyang pamilya sapagka’t kasisimula pa lamang niyang maglakad at imposibleng mabalian agad. Hindi nagtagal ay sumunod na nabali ang kabila niyang binti.

Dinala si Erwin ng mga magulang niya sa iba’t ibang doktor at ospital, ngunit walang makapagsabi kung ano ang tunay niyang kondisyon. Napansin din nila na tila hindi gumagaling ang mga binti niya at nanlambot na lamang. Ilang buto pa sa katawan niya ang mga sumunod na mabali. Isang doktor ang nagsabing hanggang 7 taong gulang lamang ang itatagal niya.

Isang taong gulang lamang si Erwin nang matuklasan nila mula sa Philippine Orthopedic Hospital na mayroon palang Osteogenesis Imperfecta si Erwin, isang inborn na sakit na unti-unting nagpaparupok at umuubos sa buto ng tao hanggang sa hindi na ito makakilos.

Sa awa ng Diyos at sa suporta ng kanyang pamilya, nabuhay si Erwin ng higit pa sa edad na sinabi ng doktor. Ninais niyang mamuhay ng normal at makapagtapos ng pag-aaral sa kabila ng kanyang karamdaman. Naging libangan rin niya ang pagpinta at pagguhit, ngunit dahil kapos sila sa pera pambili ng mga gamit, ballpen na lamang ang naging materyal niya sa paggawa ng mga obra.

Nagulat ang buong pamilya ni Erwin nang makita ang ganda ng mga ballpoint pen drawings niya. Hindi nagtagal ay nakasali si Erwin sa ilang art exhibitions kung saan naibenta niya lahat ng mga gawa niya.   Unti-unti ay nakilala si Erwin at naparangalan ng iba’t ibang award.

Mula sa direksyon ni Gil Tejada Jr., itinatampok ng Abot Kamay ang Pangarap: The Erwin Dayrit Story sina Gary Estrada bilang Romeo, Ana Capri bilang Eliza, Aicelle Santos bilang Judith, David Remo bilang batang Erwin, Jazz Ocampo bilang Helen, Rob Moya bilang Ryan, Liezl Lopez bilang Mindy, Sofia Pablo bilang batang Judtih, Lance Serrano bilang Roy, at ang special participation ni Erwin Dayrit as himself.

Huwag palampasin ngayong Sabado pagkatapos ng Pepito Manaloto sa GMA.

vuukle comment

MAGPAKAILANMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with