Kinilig ang mga fans ni Shaina Magdayao sa simpleng post niya ng trailer ng Northern Lights: A Journey to Love na pinagbibidahan nina Piolo Pascual at Yen Santos.
As we all know, nali-link ngayon sina Papa P. at Shaina although wala pa silang official na inaaming sila na.
Pati mga fans ni Piolo ay natuwa at nagpasalamat kay Shaina for supporting him.
May nagtatanong, makasama raw kaya ni Piolo sa premiere night ng movie si Shaina na abalang-abala rin naman sa taping ng serye niya sa hapon na The Better Half?
Piolo sa subdivision nagti-training, ayaw matulad kay Jake
Speaking of Piolo, nahingan ang aktor ng comment sa sinapit ng kapwa Kapamilya at kaibigang si Jake Cuenca na sumalpok sa truck habang nagba-bike last Tuesday.
Mahilig din kasi sa sports si Piolo at sey niya, siya man daw ay ilang beses nang nagkaroon ng injury.
“Ang sports kasi, ruthless ‘yan, eh. Parang you know, as much as it keeps us healthy, it’s also very dangerous, you know. Like ako, ang dami ko nang injuries sa mga ginagawa kong sports.
“It pays to be careful. Kasi, isa lang naman ang katawan natin. Isa lang naman ang buhay natin. So, take extra precautionary measures and dapat lagi kang focused, dapat lagi kang aware.
“Pero hindi mo maiaalis, minsan merong nasa-side swipe. Marami na akong kaibigan na naaksidente sa bike.
“So, what I do is I train sa mga gated fences, sa mga subdivision or ‘yung mga hindi masyadong maraming sasakyan,” pahayag ni Papa P.
Bong inulit na alagaan ni Jolo ang kanilang pamilya
Nakaka-touch naman ang birthday message ni former Sen. Bong Revilla sa anak na si Jolo Revilla na nagdiwang ng kaarawan kahapon, March 15.
Sa kanyang Facebook post kahapon, kitang-kita ang pagmamahal ni Sen.Bong sa anak sa kanyang birthday greeting dito.
“My son Jolo, happy happy birthday to you! I can never be more proud of what you have attained in your life, and what more you will attain in the future.
“Anak, mula sa iyong pagkabata, namulat ka sa mga hinaing at mga gawain para sa ating mga kababayan. Sa mura mong edad ay nakita mo na ang kailangang gawin para sa ating lalawigan. Ang mahihingi ko na lang, ay ang higit mo pang sipag at sigasig sa paglilingkod sa kanila.
“I see that you have grown into a good man, a good father, and a good public servant. I love you Son.
“Take care of yourself and look after our family. I love you,” ang madamdaming post ni dating Senador Bong.
Tulad ng alam ng lahat, kasalukuyan pa ring nakakulong si Bong sa Camp Crame pati na rin ang kaibigan niyang si former Senator Jinggoy Estrada.
Aktibo si Bong sa FB at dito niya sinasabi ang mga nais niyang sabihin sa pamilya, kaibigan at maging sa taumbayan. Dito rin siya nagbibigay ng opinyon sa mga latest issues sa bansa.