Baka next year ay matupad na rin ang balak ni Pokwang na magkaroon ng restaurant. By then, tapos na ng Culinary Arts ang anak niyang si Ria Mae, na tulad niya ay mahilig din sa pagluluto.
Mayroon na ring libro si Pokwang kung saan nakasulat ang ilan sa kanyang favorite recipes.
Titled Patikim Pokie, nabibili na ito sa bookstores.
Kasalukuyang busy si Pokwang sa gag show na Banana Sundae at I Can Do That na napapanood naman tuwing Saturday at Sunday.
Where Pokwang’s lovelife is concerned, solid pa rin ang relasyon nila ng kanyang American boyfriend na si Lee O’ Brien.
Kapatid ni Coco revelation ang pagiging tambay at magnanakaw
Kusang di namin ikukumpara bilang performer ang baguhang si Ronwaldo Martin sa nakatatandang kapatid na solid na ang popularity at pagiging magaling na aktor, si Coco Martin.
Unang-una, ang tagal na ni Coco sa showbiz. Malaki rin ang agwat ng edad nilang magkapatid.
Pero ang tiyak, may big promise si Ronwaldo bilang artista.
Good looking din siya tulad ni Coco. Bagama’t mas okay sana kung nabiyayaan siya ng kaunti pang height.
Revelation si Ronwaldo sa kanyang role bilang tambay na ang ikinabubuhay ay pagnanakaw at drug carrier ng isang sindikatong nag-o-operate sa loob ng sementeryo, kung saan supposedly nakatira siya at ang pinakabida sa indie film na Bhoy Intsik, si R.S Francisco, who is billed as Raymond Francisco, his real name.
Ang pagiging magaling na aktor ni R.S ay ‘di mapapasubalian, considering that he won the Best Actor trophy for his performance in Bhoy Intsik sa Sinag Maynila 2017.
Isang magaling na theater performer din si R.S. Ganunpaman, makakapagmalaki si Ronwaldo that he was able to hold his own, kumbaga, kahit sa mga difficult scene together nila ni R.S.
Original choice siya for the role of Marlon in Bhoy Intsik ni Direk Joel Lamangan, ng writer ng story at iskrip nito, si Ronald Carballo and, of course, R.S, na siya ring producer ng pelikula para sa kanyang film firm, Front Row.
Piolo napabilib kay Raikko
Hindi pala ang batang aktor na si Raikko Mateo ang choice ni Piolo Pascual para gumanap na kanyang anak sa soon-to-be released niyang movie na Northern Lights: A Journey To Love, which his own film production, Spring Films, co-produce with Regal Entertainment.
Kaso nga raw, busy ‘yung first child actor na choice niya, ani Piolo.
Amazed din siya with Raikko’s acting talent. Ang galing daw mag-emote ni Raikko, lalo’t sa mga eksenang drama nila, kwento pa ni Piolo.
Hindi raw siya magtataka kung manalo ng award in any of the award giving bodies si Raikko for his performance in Northern Lights…
Magaling din daw ang aktres na si Yen Santos na gumaganap bilang kanyang leading lady.
A former Pinoy Big Brother (PBB) housemate, Northern Lights… is Yen’s first movie. Although, nakagawa na siya ng tatlong malalaking teleserye, Pure Love, All of Me at Magpahanggang Wakas.
Northern Lights…was filmed in New Zealand. Star Cinema will release it March 28 in cinema nationwide.