Ginalingan ang paghahanda pata ni Jessy pang-summer na!
Handang-handa na sa summer si Jessy Mendiola.
Sa kanyang mga litrato sa Instagram kung saan nasa isang resort siya, walang duda na ginalingan ng actress ang paghahanda.
Display kung display ang ginawa niya sa kanyang beach body kaya medyo natameme ang mga dating nanlalait sa kanyang mga pata.
Maalalang nakatikim ng santambak na panlalait noon ang girlfriend ni Luis Manzano dahil sa umano’y dambuhala naman nitong katawang matapos hiranging FHM Sexiest last year.
Ngayon ay balitang nangunguna si Nadine Lustre sa bilangan ng pagandahan ng katawan ng FHM.
- Latest