^

Pang Movies

Dennis at Jennylyn inuuna ang honeymoon kesa kasal!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Mukha naman talagang nagkakamabutihan na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado. Pareho namang ok ang kalagayan nila sa buhay. Pareho walang sagabal sa kanilang pag-aasawa. Nasa tamang edad na rin naman sila at open sila sa kanilang relasyon. Masyado nga silang open eh, pati iyong bugbugan nila dati ay inilabas pa nila sa publiko.

Hindi kami maniniwala kung sasabihin sa amin na may pumipigil pa kay Jennylyn na mag-asawa. Lalo naman sigurong hindi kami dapat maniwala sa mga tsismis na si Dennis Trillo ang pinipigilan ng kung sino na pakasalan si Jennylyn.

Kung saan-saan na sila nakarating na talo pa ang nag­ha-honeymoon. Bakit nga ba hindi pa sila magpakasal para mas maging pormal ang kanilang relasyon?

Pagkapanalo ni Iza kulang sa detalye

Honestly, natuwa kami nang manalong Best Performer si Iza Calzado sa katatapos na Osaka Asian Film Festival para sa kanyang pelikulang Bliss. Matagal kasi naming kaibigan ang tatay ni Iza, ang yumaong director at dancer na si Lito Calzado. Pero aywan kung bakit walang masyadong detalye ang mga balita.

Una, nanalo si Iza, pero sinu-sino nga ba ang kanyang mga tinalo sa nasabing kategorya? Definitely, hindi naman isang major festival iyang sa Osaka. Ang malaki sa Japan ay iyong Tokyo International Film Festival, pero hindi maliwanag sa amin kung nagkaroon ba ng public exhibition ang kanilang mga pelikula sa Osaka. Mayroon kasing mga film festival na wala talagang public showing, at ang mga nanonood lamang ay iyong mga may kinalaman din sa festival.

Hindi pa naipalabas sa bansa ang Bliss at ngayon lang din namin narinig ang title ng kanyang pelikula.

Iyan ang sinasabi naming problema ng mga pelikulang indie. Sinasabi ng mga kampi sa mga ganyang klase ng produksyon, ang mga pelikula raw nila ay artistic at siyang hinahangaan sa abroad. Pero ano man ang sabihin nilang artistic at “mas maganda” ang kanilang mga pe­likula, ang mga iyon ay hindi tinatangkilik ng masang Pi­lipino, kaya nga hindi sila maipalabas sa mga sinehan.

Kung minsan nakakainsulto ang sinasabi nilang kailangang ma-educate ang masa. Bakit, ibig bang sabihin ang mga hindi nakakagusto ng mga pelikula nila ay mali ang edukasyon? Palagay ba nila maipipilit nila ang klase ng pelikula nila kung mapipigilan nila ang mga mainstream movies?

Actually, counter productive ang ganyang paniniwala. Kasi kung pipilitin nila na ang mga pelikulang Pilipino ay puro indie na lang, tiyak mas marami ang manonood ng mga pelikulang Ingles. At dapat silang matakot, dahil inilalabas na at nagiging hit pa ang mga pelikulang Koreano na dubbed sa Pilipino.

Noong nakaraang taon, naging malaking hit ang isang pelikulang Koreano dito sa Pilipinas, samantalang ang mga pelikula nilang indie, nangangamote ang kita kaya walang sinehang makuha.

Away nina Jim at Pacman hinihintay na

Tinawag ng semi-retired na singer na si Jim Paredes na “baliw” si Senador Manny Pacquiao sa isang internet post. Kasi hinihiling daw noon na huwag bitayin ang OFW na si Mary Jane Veloso, tapos isinusulong naman noon sa senado ang death penalty law.

Ano kaya kung magkita sila at bigla siyang bigwasan ng suntok sa mukha ni Pacman? Masabi pa kaya niya roon na “look at me”?

DENNIS TRILLO AT JENNYLYN MERCADO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with