Beauty And The Beast pinabo-boycott dahil sa bakla

Dumarami pala ang bilang ng mga tao sa buong mundo na nananawagan na i-boycott ang remake ng Beauty and the Beast dahil sa same-sex kissing scene sa pelikula na pambata.

Ipinapa-ban naman sa Russia ang Beauty and the Beast dahil sa “blatant, shameless propaganda of sin at perverted sexual relationships.”

Showing sa mga sinehan sa Pilipinas sa darating na Miyerkules ang Beauty and the Beast.

Tingnan natin kung makiki-join ang mga moralista sa panawagan na i-ban ang Disney movie dahil sa ipinoprotesta na eksena na hindi raw dapat mapanood ng mga bagets.

Showbiz personality na dumaan sa pagsubok, pinagsamantalahan  ang powerful personality

Hindi na naubusan ng kontrobersya na kinasasangkutan ang isang showbiz personality na takaw-intriga.

May mga as in marami ang bagong paratang na ibinabato laban sa showbiz personality at mukhang may katotohanan dahil kumpleto ang mga impormasyon.

Nakapanghihinayang dahil dumaraan sa pagsubok ang acting career ng showbiz personality pero nabigyan siya ng isang magandang oportunidad kaya bumango ang name niya.

Pero kung may katotohanan ang mga bintang laban sa showbiz personality, lumalabas na hindi niya pinahalagahan ang pagtitiwala sa kanyang kakayahan ng isang powerful personality.

Mag-expect tayo na mapapa-shout for joy at magre-rejoice ang detractors ng showbiz personality kapag lumaki ang balita tungkol sa mga scandalous issue na ipinupukol sa kanya.

Cast ng Mulawin sumabak na sa training

Nagsimula na ang martial arts training ng mga artista na kasali sa cast ng Mulawin vs Ravena.

Isang expert ang kinuha ng GMA 7 para magturo sa cast ng martial arts.

Marami ang fight scenes sa upcoming telefantasya ng Kapuso Network kaya importante na magaling sa pakikipagbakbakan ang mga bida at ang supporting cast.

Hindi puwede ang lalamya-lamya dahil hindi magiging credible ang fight scenes.

Hindi pa nag-uumpisa ang taping ng Mulawin vs Ravena at isa ito sa mga dahilan kaya extended hanggang sa May 2017 ang Encantadia, ang top rating telefantasya ng GMA.

Leila dapat asikasuhin ang pananagalog

Obvious na type na mag-artista ni Leila, ang panganay nina Ogie Alcasid at Michelle Van Eimeren.

Ang mga television guesting ng bagets ang proof na gusto niya na sundan ang yapak sa showbiz ng kanyang mga magulang.

Madali para kay Leila ang pumasok sa showbiz pero kaila­ngan muna niya na matuto ng Tagalog. Nakakaintindi na si Leila ng Pinoy language pero makapal ang kanyang Australian accent kaya effort sa kanya ang magsalita ng Tagalog.

Bata pa si Leila kaya madali sa kanya ang pag-aralan ang lengguwahe ng tatay niya. Walang Pinoy blood si Michelle pero natuto siya ng Tagalog, si Leila pa kaya na half Pinoy?

Supportive father si Ogie sa pangarap ni Leila at ganoon din ang stepmother nito na si Regine Velasquez.

Tutol si Regine na mag-artista ang kanyang stepdaughter dahil alam niya na cruel ang showbiz pero wala na siyang magagawa kundi ang suportahan si Leila.

Nasampolan na nga agad si Leila dahil sa personal joke nila ni Regine na PA o personal assistant na binigyan ng ibang kahulugan ng fans ng Asia’s Songbird. Parehong iniyakan ng mag-madrasta ang bashing sa kanila pero nakatulong ‘yon para lalong tumibay ang magandang relasyon nila.

Show comments