Rey Valera, Jaya at K, nabuhay ang career sa TNT
Bukod sa napakagandang buhay na naghihintay sa tatanghaling kampeon ng nagbabalik-telebisyon na Tawag Ng Taghalan (TNT), isang popular segment ng popular noontime show on ABS-CBN, It’s Showtime, malaki rin ang pag-asang maisakatuparan ng mga runners up ang kanilang pangarap na sumikat sa ibang paraan.
‘Di rin puwedeng isantabi ang malaking tulong na naibigay ng TNT sa mga huradong OPM legends, lalo na kay Rey Valera, na bagama’t patuloy na itinuturing na pinakasikat na singer-composer ng kanyang panahon ay hindi na ‘in’ among the millennials, in particular.
These days, patuloy pa rin na inaawit ang kanyang mga awiting pinasikat kabilang na ang Maging Sino Ka Man. May kakaibang ningning na kaakibat ang kanyang pangalan, tuwing binabanggit ito ngayon.
After all, siya ang head ng board of jurors ng TNT.
Naging pamilyar kaya ang pangalan ni Jaya sa Kapamilya followers, nang mag-decide siyang lumipat sa ABS-CBN, after having worked with GMA 7 for seven years, kung hindi siya napabilang sa mga juror?
How about K Brosas, before her stint as juror, mas better known siya bilang comedienne. Ngayon, everyone realized na isang magaling na singer din pala siya.
Sa kanyang guesting sa programang Magandang Buhay, hosted by Karla Estrada, Melai Cantiveros at Jolina Magdangal, she announced a number of shows she will do with other Kapamilya stars in several places sa ibang bansa.
Sa magwawagi naman sa huling tapatan ng TNT na gaganapin noontime today sa Resorts World Manila, bukod sa tumataginting na cash price of P2-M, yes, P2M, ay franchise ng isang negosyo, plus a house and lot, courtesy ng Camelia Homes ang kanyang mapapanalunan.
To top it all, papipirmahin din siya ng kontrata ng ABS-CBN.
Maglalaban-laban for the Big Win: Froilan Canlas, a music teacher from Bicol, Noven Bellesa, farmer from Negros Occidental, Carmalone Montecido, a special person, na ipinanganak na isang bulag, Sam Mangubat, YouTube sensation at ang nag-tie na sina Pauline Agupitan, student from Batangas, at Mariel Montellano from Cebu.
Exciting naman ang next segment na ipi-feature sa It’s Showtime, starting Monday, March 13, na siyang magti-take over ng slot na iiwanan ng TNT.
Ito ay ang Tawag Ng Tanghalan Kids ayon kay Merce Gonzales, who, together with Reily Santiago, is Business Unit Head (BUH) ng TNT.
May bagong “pakulo” raw na magaganap sa TNT Kids.
TNT kids will also give a chance to aspiring kid singers mula sa Luzon, Visayas, Mindanao at Metro Manila.
Paolo type nang pakasal kay LJ
As for as Paolo Contis is concerned, parang sa altar na magtatapos ang kasalukuyang pag-iibigan na namamagitan sa kanila ni LJ Reyes.
In fact, anak na ang turing niya kay Aki, five year-old son ni LJ sa Kapamilya actor na si Paulo Avelino.
May two daughters naman si Paolo C with his old partner na si Lian Paz.
Lian, who how has a new partner, na ama ng kanyang kasisilang na anak, lives in Cebu City with her daughters.
- Latest